Beauty Gonzalez admits "bad exit" in showbiz due to her pregnancy

Beauty Gonzalez on return to showbiz after giving birth: "Kasi siyempre hindi mo alam kung anong mangyayari sa 'yo. Kung tatanggapin ka ba ulit. Siyempre nabuntis ako, e. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin kaya takot ako."


Inamin ni Beauty Gonzalez na hindi maganda ang biglaan niyang pagkawala sa show business nang siya ay mabuntis noong nakaraang taon.

“Hindi maganda ang pag-exit ko, sa totoo lang," pahayag ng 25-year-old Kapamilya actress.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang reporters si Beauty pagkatapos ng presscon proper ng Achy Breaky Hearts, Martes ng gabi, June 21.

Ang naturang pelikula ang unang proyektong natanggap ng Kapamilya actress matapos niyang isilang ang anak na si Baby Olivia noong Pebrero.

SUDDEN EXIT FROM SHOWBIZ. Paliwanag pa ni Beauty, hindi maganda ang biglaan niyang pag-alis sa pinagbibidahang teleseryeng Ningning noong September 2015.

“Maganda yung proyekto na ginagawa ko na Ningning. Tapos bigla akong nabuntis.

“So, I felt bad, kasi I really wanna finish the show. I love my role there.

“But, yun ang ibig kong sabihin na hindi maganda, I was pregnant.

“It was my first baby. I didn't know how to handle everything.

“Hindi ko alam kung matatanggap ba ako ng mga tao. Ok lang ba sa trabaho ko?”

Gayunman, nilinaw ni Beauty na maayos siyang nagpaalam sa mga kasamahan niya sa trabaho nang kinailangan niyang umalis sa Ningning.

“Siyempre, sa work ko, professional naman ako.

“Humingi naman ako ng sorry sa kanila.

“Naintindihan naman nila yung sitwasyon ko.”

REGRETS? Aminado si Beauty na nakaramdam siya ng panghihinayang dahil sa pinakawalan niyang oportunidad na magkaroon ng lead role sa isang teleserye.

Ngunit hindi raw niya pinagsisihan na siya ay naging isang ina.

“Siyempre may konting panghihinayang. Hindi naman 'yan mawawala.

“Lalo na kapag may nakikita akong magandang pelikula. 'Ay, sayang, bagay 'yan sa akin.'

“Nanghihinayang ako kasi siyempre I love my work.

“But, tungkol sa nangyari sa akin, hindi ako nanghihinayang kasi ang sarap maging nanay.

“I've never felt so complete now that I have a daughter.

“Feeling ko, may purpose na ako in life.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Beauty, nagtrabaho pa siya hanggang sa ikapitong buwan ng kanyang pagdadalantao noon.

Pagkatapos ay namalagi raw sila ng kanyang boyfriend na si Norman Crisologo sa ibang bansa, at bumalik lang ng Pilipinas nang malapit na siyang manganak.

Pitong buwan lang na hindi naging aktibo sa showbiz si Beauty, ngunit hindi niya maiwasang magkaroon ng agam-agam tungkol sa kanyang pagbabalik-trabaho.

Saad niya, “Kasi siyempre hindi mo alam kung anong mangyayari sa 'yo. Kung tatanggapin ka ba ulit.

“Siyempre nabuntis ako, e. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin kaya takot ako.

“Pero I'm so happy na naalala pa rin ako ng mga taong nagmamahal sa akin.”

Tiniyak naman ni Roxy Liquigan ng Star Cinema na may nakalinyang proyekto para sa aktres maliban sa supporting role nito sa Achy Breaky Hearts.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN