PBB 737 winner Miho Nishida on relationship with Tommy Esguerra: "Sweet pa rin naman kami."

Miho Nishida admits crush on Paolo Avelino, "Nakakaakit siya," and idolizes Angelica Panganiban, "I like her, super."


Almost five months nang tumatakbo ang relasyon ng ex-Pinoy Big Brother 737 housemates na sina Miho Nishidaat Tommy Esguerra.

Kumusta na sila?

Sabi ni Miho sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Sweet pa rin naman kami.

“Super happy, enjoy-enjoy lang, ganun pa rin, kulitan.”

Maipagmamalaki raw ng PBB 737 Big Winner ang kanyang boyfriend.

“Hindi siya nagbago ever since.

“Tinatanong ng iba, ‘Si Tom, sweet lang ba siya sa harap ng kamera?’

“Sabi ko, hindi totoo ‘yan. Kahit wala kami sa harap ng kamera, sweet pa rin siya sa akin.”

Pero sabi rin ni Miho, “Kapag nalaman kong nag-cheat siya, ayoko na… gusto ko, ako lang.”

Selosa siyang girlfriend?

Pag-amin niya, “Oo naman, pero siyempre nasa lugar naman. Siya rin naman, seloso.”

YOUTUBE SENSATION. YouTube sensation ngayon si Miho.

Mahigit one million views na ang video ng pagsasayaw niya ng Trumpets challenge sa ASAP Chill Out, kung saan back-up dancers niya ang all-male group na Good Vibes.

Sabi ni Miho, “Bongga yun, di ba, na naka mahigit one million views kami?

“Iba pa rin yung may kasama kang back-up dancers habang gumigiling-giling… mas lalong bongga.”

Hilig daw talaga ni Miho ang sumayaw kaya naman natuwa siya nang napabilang siya sa all-female group na Girl Trends, na mainstay sa It’s Showtime.

“Nahahasa rin ako sa Girl Trends, di ba, bongga rin yun?

“Nagiging sexy na ako sa laging pagsasayaw!” natatawang sabi niya.

Nangyayari sa isang grupo ang hindi pagkakasundo minsan o ang inggitan sa bawat member, wala raw ganun ang kanilang samahan.

“Nagtutulungan kami sa lahat ng bagay. Naghihiraman kami ng damit, ganun.

“Parang magkakapatid na kaming lahat,” sabi ni Miho.

Sa It’s Showtime lang napapanood ngayon si Miho at sana raw ay mapasama siya sa isang teleserye.

“Gusto ko rin namang magkaroon ng serye, kaya ko rin namang umarte, yung umiyak-iyak, kaya ko siyempre.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mabilis nga raw siyang mapaiyak, “Kapag naiisip ko ang daughter kong si Aimi, mabilis akong napapaiyak.

“Kasi, right now, hindi kami magkasama, nasa Japan siya with mommy Cedes ko.

“Ako naman nasa Pilipinas kasi nagwo-work ako.”

IDOLS. Sino naman sa mga artista ng ABS-CBN kung sakali ang gusto niyang makasama o makatrabaho sa isang teleserye?

Sagot ni Miho, “Sa mga lalaki, gusto ko si Paulo Avelino, kasi mahusay siyang artista tsaka simple lang yung kaguwapuhan niya.

“Nakakaakit siya… maganda yung katawan niya, maputi siya at flawless.”

Nung una niya raw mapanood sa teleserye si Paulo, dun daw nagsimula ang paghanga niya rito.

“Sabi ko, ’Ay, pogi, crush ko siya, gusto ko siya.”

Si Angelica Panganiban naman ang gustong makatrabaho ni Mijo sa mga aktres, idol niya raw ito.

Na-meet daw niya ito nang nag-guest siya sa gag show ni Angelica na Banana Sundae.

“Nanginig kaya ako nung makausap ko siya, nilapitan ko kasi siya nung taping namin.

“Sabi ko, ‘Hello po, ako po si Miho. Glad to meet you po, super idol ko po kayo.’

“Sabi niya, ‘Bakit ako?’ Marami naman daw artista na mas magaganda, mas ano sa kanya.

“Sabi ko, ‘Hindi po, ever since nung bata pa ako, idol ko na kayo.’

“Tapos nagpa-picture ako sa kanya. I like her, super,” sabi ni Miho.

Magkakaroon na ngayon ng katuparan ang kagustuhan ni Miho na umarte sa teleserye dahil kasama sila ni Tommy sa cast ng upcoming drama series na Langit At Lupa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN