Jasmine Curtis-Smith finally confirms she is part of AlDub movie

Jasmine Curtis-Smith apologizes for the initial confusion about her participation in the Alden Richards-Maine Mendoza movie Imagine You And Me.


Sa wakas ay kinumpirma na ni Jasmine Curtis-Smith na kasama nga siya sa first solo movie nina Alden Richards at Maine Mendoza, ang Imagine You And Me.

Sa huling interview kasi ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Jasmine ay hindi niya masabi na bahagi siya ng pelikula.

Wala pa raw kasi siyang go-signal mula sa APT Entertainment, ang film company na nag-produce ng pelikula ng AlDub.

Nakuha raw niya ang go-signal na sabihin ang tungkol dito kagabi lang, June 21.

Paliwanag ni Jasmine, “Yung mga iba na-confuse lang, kasi I guess, because I was trying to be di halata na nagpo-promote,”

Nakausap ng PEP at iba pang reporters si Jasmine sa Nova Life Active Pass campaign ng Jack ‘n Jill Nova multi-grain snack, nitong Miyerkules, June 22, sa Glorietta Activity Center, Makati City.

Ini-launch din si Jasmine, kasama si Daniel Matsunaga, bilang ambassador ng Nova.

(Jasmine Curtis-Smith and Daniel Matsunaga at the launch of their latest endorsement. -Photo by Noel Orsal)

JASMINE EXPLAINS. Nitong Martes nailathala sa PEP ang panayam kay Jasmine, kung saan tinanong kung kasama ba siya sa Imagine You And Me.

Hindi diretsong masagot ng aktres ang tanong.

Bagot ito ay may mga lumabas ding larawan sa Internet kung saan kasama ni Jasmine sina Alden at Maine na nagsu-shooting sa Italy.

Read: Is Jasmine Curtis Smith part of AlDub movie, Imagine You and Me?

Sa panayam namin sa kanya kagabi, ipinaliwanag ni Jasmine ang sitwasyon.

“There was a lot of confusion about it, about how I felt about the project.

“But, at the end of the day, I was really just waiting for APT to give me the go-signal.

“I was trying to discreetly promote it without giving away na I’m really part of it.

“Sorry if I offended anyone, but I’m very thankful, first of all, thankful to be part of the project.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Because, di ba nga, ang naunang plan, kami lang ni Alden.

“And so when they went ahead and did the movie with AlDub first, I was very happy, I was so happy.

“I was surprised more than anything.

“I was surprised and thankful when they asked me to be part of the movie.”

Sabi pa ni Jasmine, ayaw niyang pangunahan ang mga tunay na bida ng pelikula kaya hindi niya ma-confirm noong una ang partisipasyon niya sa pelikula.

“I don’t wanna be disrespecting anyone or manguna sa promotion, because I’m also not the lead star.

“It’s not my movie. I’m part of the movie, but it’s not mine. Ayokong angkinin.

“Pangunahan ko ba ang leading lady at ang leading man? So, yun.

“No hard feelings. I don’t see it as anything negative.”

Nilinaw rin ni Jasmine ang role niya sa pelikula.

“I’m not a third wheel or third party.

“I’m the friend of Maine, her character’s friend here. Kami yung close sa film.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN