Nova Villa on dealing with pasaway young actors: "Kill them with kindness."

Veteran actress Nova Villa shares how she deals with younger actors with attitude problems: "Instead of talakan or isnabin, wala, walang mangyayari pag ganun. That's their nature, lumaki siguro silang ganun, tsaka nakita ko, itong mga batang ito, mga maykaya, mga Ingglisera, iba ang upbringing, you know. Ganun. E alam mo ang showbiz, kailangan down-to-earth ka. Kaya kill them with kindness and you'll win."


Halos 60 years na sa showbiz industry ang veteran actress na si Nova Villaat napakarami na niyang artistang nakatrabaho, sa pelikula man o telebisyon.

Ano ang obserbasyon o karanasan ni Nova working with the younger generations of actors?

Pahayag ng 69-year-old actress, “Alam mo, napansin ko, I don’t even know them, ha, yung mga bago talaga, ‘no?

“At least itong cast [ng Sa Piling ni Nanay], kilala ko na ‘yang mga ‘yan, pero meron talagang mga bago, you know, ang galing nila!

“Magaling sila na artista.”

Mayroon din daw mga kabataang artista na bastos at walang pagkilala sa mga beteranong artistang kagaya niya.

“Meron lang akong mga... yung hindi naggu-'good morning,' yung ganoon.

“Na pag pumasok ka sa tent, I mean as a senior, yung ganun, yung tumutulong.

“Lalo na ako, hindi ako nagdadala ng alalay, so buhat ko lahat.

“Yung ganun, nagpapatulong lang ako sa mga crew, sa mga ano.

“Yung pupuwesto na sila sa magandang puwesto, nagtu-text lang, yung ganun, yung doesn’t care! Yung ganun.

“E, ako, pagka ganun, ako pag merong pumapasok na kasama namin, ‘Hello!’

“I help, you know. Tsaka maganda yung nag-i-introduce ka ng sarili mo kasi makakasama mo sa show, e.

“Kailangan ma-at home ka, you know?

“You will be together for four months, you must develop the respect, the love for one another para nang sa ganun, sa mga eksena, di ba, may rapport na.”

“KILL THEM WITH KINDNESS.” Kapag may mga ganoon daw siyang katrabaho, hindi naman niya pinapagalitan o kinukumpronta.

“Deadma na lang. Pero ako, I have my way, I have my way of… tinu-twist ko siya.

“Natu-twist ko, bumabait sa akin!” at tumawa si Nova.

“Just be nice, I am just being nice. At sincere naman ako, ganun.

“So, bandang huli, ‘Tita Novs!’

“Yumayakap na, yung ganun. They treat na as their nanay or kapatid, yung ganyan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Instead of talakan or isnabin, wala, walang mangyayari pag ganun.

“That’s their nature, lumaki siguro silang ganun.

“Tsaka nakita ko, itong mga batang ito, mga may kaya, mga Ingglisera, iba ang upbringing, you know.

“Ganun. E, alam mo ang showbiz, kailangan down-to-earth ka.

“Kaya kill them with kindness and you’ll win,” saad niya.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Nova sa presscon ng bagong afternoon soap ng GMA Network na Sa Piling Ni Nanay.

MOVING ON FROM SISTER’S DEATH. Samantala, nagbabang-luksa na ang pamilya nina Nova para sa kapatid nilang si Tiya Pusit, na pumanaw noong October 3, 2014.

Masasabing naka-move on na raw siya mula sa pagkamatay ng kapatid, na nakilala rin bilang komedyana.

Ni wala na raw pagpaparamdam na kung anuman si Tiya Pusit sa kanila

Pagbabalik-tanaw ni Nova, “I think, yung suffering niya in the hospital… I saw the suffering, it’s terrible.

“Probably ano na yun, may gift, you know, may kapalit naman na maganda, na peace. Peaceful na siya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN