Beauty Gonzalez on wedding plans with Norman Crisologo: "Only God knows when."

Beauty Gonzalez on settling down with non-showbiz boyfriend Norman Crisologo: "E, siyempre napag-uusapan namin yung kasal. Siyempre ano lang, bigla akong nabuntis. Gusto ko itong ginagawa ko, showbiz, e. Gusto ko munang gawin ito habang may offer sa akin."


Tila wala pang konkretong plano si Beauty Gonzalez at ang boyfriend nitong si Norman Crisologo na sundan ng pagpapakasal ang pagkakaroon nila ng supling na si Baby Olivia.

Ito ay sa kadahilanang nais muna umano ng Kapamilya actress na unahin ang showbiz career niya bago ang pagpapakasal.

“Only God knows [when],” nangingiting sagot ni Beauty nang tanungin kung plano na ba nilang magpakasal ng non-showbiz boyfriend.

Dugtong pa niya, “E, siyempre napag-uusapan namin yung kasal.

“Siyempre ano lang, bigla akong nabuntis.

“Gusto ko itong ginagawa ko, showbiz, e. Gusto ko munang gawin ito habang may offer sa akin.”

Hindi kaila sa publiko na bago nabuntis si Beauty ay nagsimula na siyang makatanggap ng lead roles sa telebisyon.

Kaya't umaasa si Beauty na mabigyan ulit ng magandang proyekto sa kanyang pagbabalik-trabaho.

Paliwanag niya, “I wanna fill up my cup before I fill up the cup of my family and before marriage.

“Of course, everybody wants to get married.

“Gusto natin naka-wedding gown...

“Tanungin mo na lang yung partner ko [about wedding plans].”

FIRST-TIME MOM. Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at piling reporters si Beauty pagkatapos ng presscon proper ng Achy Breaky Hearts noong Martes, June 21.

Dito ay ibinahagi ng aktres ang kanyang karanasan bilang first-time mom.

“Masaya. I feel so complete. Parang walang kulang sa akin.

“Ang sarap-sarap maging nanay, kasi every day, paggising ko, nakikita ko na yung [unti-unti niyang paglaki].

“Ang laki na niya, nag-smile na siya. I feel so excited.”

February 6 ngayong taon nang ipinanganak ni Beauty ang baby girl niyang si Olivia Ines.

Ayon pa kay Beauty, tila nakaranas siya ng kaunting postpartum depression.

“I did. I had postpartum depression.

“I was taking care of my baby for almost two months and it was hard, kasi I had CS [giving birth by caesarean section].

“My baby was too big. She was 8.3 pounds. It was hard.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I had may postpartum moments, pero nagpapasalmaat ako, kasi I have my partner, my boyfriend Norman, supporting me so much. And even my family.

“Yun lang naman yun. You just need to have a good support group.”

Anong klaseng postpartum depression ang naranasan niya?

Sagot ni Beauty, “Iiyak ka na lang bigla, para kang Sisa. 'Hala, ginoo, bakit ako umiiyak?'

“Tapos pagtingin mo sa salamin, 'Anong nangyari sa katawan ko, bakit ganito?'

“Pero hindi severe [yung] postpartum ko, feeling ko kabaliwan ko na lang din yun.

“Inaano ko na lang na postpartum para sosyal. Joke lang!”

Pagkatapos maipalabas ng Achy Breaky Hearts, kung saan isa si Beauty sa cast members, plano raw ng aktres na sandaling magbakasyon sa ibang bansa habang naghihintay ng kasunod na proyekto.

“After this movie, magbabakasyuon ulit kami ng family.

“I wanna take it slow.

“I hope may character na ibibigay sa akin na maganda.

“I hope it find its way to me ulit. Prayers.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN