Luis Alandy wants an intimate wedding with non-showbiz girlfriend

Luis Alandy on proposing to girlfriend Joselle Fernandez: "Siguro naman, yung sa if she's the one, I'm 36, so I'm wiser and mature enough."


Pagkatapos ng proposal ng aktor na si Luis Alandy sa kanyang non-showbiz girlfriend na si Joselle Fernandez ay pinaplano na nila ngayon ang kanilang kasal.

Inaayos pa raw nila ito kaya wala pa siyang maibigay na anumang detalye.

Plano rin daw nilang magpunta sa bridal registry para makahanap ng suppliers.

Pero malaki raw ang posibilidad na sa 2017 maganap ang kanilang pag-iisang dibdib.

Sabi ni Luis, “Kaka-announce lang namin sa family niya, so we’re just going through the process.

“Pero meron na kaming marriage counselling, sa CCF [Christ Commission Fellowship].”

Anong klaseng kasal ang gusto nila kung saka-sakali?

Ayon sa aktor, “Siguro intimate, kasi she’s from non-showbiz family.

“Pero not as intimate as Cristine Reyes siguro!” natawa niyang sabi.

Ang tinutukoy ni Luis ay ang kasal ni Cristine kay Ali Khatibi na ginawa sa Balesin Island kung saan iilan lamang ang imbitado.

Pagpapatuloy ni Luis, “We’re both from big family so… marami kaming magkakapatid, lima kaming magkakapatid.

“Yung iba, nasa ibang bansa so, hopefully, makauwi naman.”

Ang gusto raw ng girlfriend ni Luis ay isang garden wedding kaya “it’s either summer or towards the end of the year” ganapin ang kasal.

Kung siya ang masusunod, anong klase ng wedding ang gusto niya?

Sagot ni Luis, “Siya ang pinapapili ko.

“Ako, kahit kailan ready na ako.

“Actually, sa aming magkakapatid, ako na lang ang walang family. Pang-third ako sa amin.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Luis sa shooting ng Cinemalaya entry na Kusina, sa Semicon Building, noong June 20.

THE ONE. Bukod sa naniniwala si Luis na nasa tamang edad na siya para magpakasal, paano niya nasabing si Joselle na ang “the one” para sa kanya?

Tugon niya, “I guess, it’s the right age na rin.

“And yung family niya, sobrang kasundo ko.

“Walang problema sa kanya ang mga ginagawa ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“She was there, yung family niya, sinuportahan din nila yung Anino...”

Ang tinutukoy ni Luis ay ang pelikulang Anino Sa Likod ng Buwan, kung saan may maselang eksena sila ng kapareha niyang si LJ Reyes.

Pero hindi raw ito naging isyu sa girlfriend kahit kasama niya itong nanood.

“Mahilig silang manood ng pamilya niya ng movies, kahit Filipino movies.

“One thing is, Fine Arts graduate siya sa UST [University of Sto. Tomas], so alam niya about arts.

“At saka, alam niyang Kristiyano talaga ako.”

Dagdag pa ni Luis, “And siguro naman, yung sa if she’s the one, I’m 36, so I’m wiser and mature enough.”

THE PROPOSAL. Sa Lake Tahoe, sa may California, nag-propose si Luis kay Joselle noong May May 12.

Bakit sa naturang lugar niya napiling mag-propose?

“Ang ganda kasi dun…”

Natatawang biro pa ni Luis, “Idol ko yung OTWOL [On The Wings of Love]!

“Actually, hindi ko alam, hindi ko talaga alam.

“Nag-post kami ng picture na Palace of Fine Arts sa San Francisco, hindi ko alam, sabi nila, ‘Parang JaDine, OTWOL,’ hindi ko ma-get.

“Tapos, tinanong ko sa kanya [Joselle], kasi hindi naman ako nakakanood nun.

“Sabi niya, ‘Kasi dito sila nag-taping.’

“E, ang setting pala nun, sa San Francisco.”

Biro pa ni Luis, “Akala ko nga, kamukha ko na si James Reid!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN