LJ Reyes to Paolo Contis: "Salamat sa suporta at pag-aalaga."

LJ Reyes, who won Best Actress in the recently concluded 39th Gawad Urian, posted her acceptance speech on Instagram and thanked all the special people in her life, including boyfriend Paolo Contis.


Isang mahabang mensahe ang ipinost ni LJ Reyes kaugnay ng kanyang pagkapanalo bilang Best Actress sa 39th Gawad Urian, na ginanap sa Kia Theatre, Cubao, Quezon City, kagabi, June 22.

Nanalo si LJ para sa kanyang pagganap sa pelikulang Anino Sa Likod ng Buwan.

Read: Gawad Urian 2016 winners revealed; John Lloyd Cruz and LJ Reyes earn top acting honors

Sa kanyang Instagram account ngayong Huwebes ng hapon, June 23, nag-post si LJ ng “acceptance speech” para sa natanggap niyang award.

“Napakabait ni Lord sa 'kin!!! It is by His grace that I have been given this recognition so I may glorify His name!” simula ng mensahe ni LJ, kasunod ang Bible verse na Proverbs 3:5-6.

Paliwanag pa ng award-winning actress, dahil sa gulat niya kagabi ay hindi na niya maalala ang kanyang mga sinabi.

“Mahirap rin po pala magpasalamat on stage dahil sa shock! Haha! Wala po akong maalala sa mga sinabi ko! Kaya dito nalang po...

“Thank you Gawad Urian for this honorable recognition! Hindi ko po ito makakalimutan!”

Unang pinasalamatan ng Kapuso actress si Aki, anak niya sa dating karelasyong si Paulo Avelino.

“Thank you to my son, Aki, who is always my source of inspiration, motivation, joy, strength, love and so much more!!! I wanted to say his name last night but I might choke in tears!”

Ikinuwento rin ni LJ na gustong sumama sa kanya ng kanyang anak subalit hindi niya ito pinayagan dahil ayaw niya itong mapuyat at may pasok pa kinabukasan.

“Sabi ko next time na lang. Ha-ha! Kaya sana may next time so I can keep my promise to Aki!

“Na-feel bad ako na hindi ko s’ya napasama. I love you so much my dearest baby boy!”

Pangalawa niyang pinasalamatan ang inang nasa New York, USA, na wala raw tigil na nagmi-message sa kanya upang makakuha ng update.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“My mother is the most hard-working person I have ever known! And she has supported me in every single endeavor in my life!

“To my family, thank you for the unfailing love and support you all have for me! Kayo ang lakas ko! Hinding hindi ko kayo ipagpapalit sa kahit ano sa mundong ito!”

Pinasalamatan din ni LJ ang kanyang boyfriend, ang aktor na si Paolo Contis, na naging escort niya noong gabing iyon.

“Thank you sa mga taong nagmamahal sakin. @paolo_contis, salamat sa suporta at pag-aalaga! I sincerely appreciate everything you do!

Sa comments section, sumagot naman si Paolo kay LJ ng “I love you.”

Inisa-isa rin ni LJ ang mga sumusuporta sa kanya, kagaya ng GMA Artist Center at mga katrabaho at kaibigan.

“Sa mga kaibigan ko na nagtext at nagpaabot ng pagbati, maraming salamat!”

Napakabait ni Lord sakin!!! It is by His grace that I have been given this recognition so I may glorify His name! In Proverbs 3:5-6, it says "Trust in the Lord with all your heart and lean not on your own understanding. In all your ways, acknowledge Him and He shall direct your path." Mahirap rin po pala magpasalamat on stage dahil sa shock! Haha! Wala po akong maalala sa mga sinabi ko! Kaya dito nalang po... Thank you Gawad Urian for this honorable recognition! Hindi ko po ito makakalimutan! Thank you to my son, Aki, who is always my source of inspiration, motivation, joy, strength, love and so much more!!! I wanted to say his name last night but I might choke in tears! Naalala ko kasi that he wanted to come with me. Kaso may pasok na sya and I couldn't let him sleep late. Sabi ko next time nalang. Haha kaya sana may next time so I can keep my promise to Aki! Nafeel bad ako na hindi ko sya napasama. I love you so much my dearest baby boy! Thank you to my mama na kahit nandun sa New York walang tigil magmessage sakin to get updates! Haha! My mother is the most hardworking person I have ever known! And she has supported me in every single endeavor in my life! I love you mama! Alam mo naman lahat ng gusto kong sabihin diba? To my family, thank you for the unfailing love and support you all have for me! Kayo ang lakas ko! Hinding hindi ko kayo ipagpapalit sa kahit ano sa mundong ito! Thank you sa mga taong nagmamahal sakin. @paolo_contis, salamat sa suporta at pagaalaga! I sincerely appreciate everything you do! Sa mga kaibigan ko na nagtext at nagpaabot ng pagbati, maraming salamat! Thank you to the whole staff and crew of Anino sa Likod ng Buwan! Thank you to GMA @artistcenter! Ms. Gigi, thank you for the support and guidance, most especially on those times when I needed you most! Sa aking aligagang handler @jazelah na kung magoffice hanggang midnight! Joke lang! Haha Ms. Meann and Ate Xyza thank you for coming with me last night! Thank you ate @tracybaky! @monicsevi sana nandito ka!!! Thank you to my ever reliable friend and stylist John Paul Dizon for last minute glamming up!!!! Mahal kita bessy!!! At maraming salamat po sa lahat ng sumusuporta!??

A photo posted by LJ Reyes (@lj_reyes) on


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN