James Reid, Nadine Lustre answer mean comments about them on social media

James Reid on mean comments against him and girlfriend Nadine Lustre: "I don't really care about that stuff... It happens to all celebrities. There's nothing we can do about it."


Sa ginanap na press launch para sa librong Team Real, isa-isang sinagot nina James Reid at Nadine Lustre ang ilan sa mean comments na natatanggap nila mula sa bashers.

Kaugnay ito ng isang section sa naturang libro kung saan nailathala ang pinakamatinding pambabatikos na nababasa ng dalawa mula sa kani-kanilang social media accounts.

Sa parte ni James, nanindigan ang Kapamilya hunk na hindi siya nagpapaapekto sa pambabatikos ng bashers—tungkol man kay Nadine o sa kanilang relasyon.

Una na rito ang mean comment ng ilang netizens na hindi bagay si Nadine kay James.

Sagot ni James ukol dito: “You don’t know what you’re talking about.”

Tinanong din si James tungkol sa mean comment ng ibang bashers na “pangit ang nose ni Nadine.”

Sa halip na maasar, halos pareho sa reaksiyon ni Nadine na “I love myself” ang sagot ni James hinggil dito.

Sabi ni James, “I love her self too.”

Ayon pa sa aktor, “dedma” na lang siya sa mean comments tulad ng nabanggit.

Dagdag niya, “I don’t really care about that stuff.

“It happens to all celebrities. There’s nothing we can do about it.”

Nang tanungin kung nasasaktan o naaapektuhan ba siya para kay Nadine, sagot ulit ni James, “No.”

Ginanap ang presscon para sa libro ng magkasintahan sa Le Reve Events Place, Quezon City, Huwebes ng hapon, June 23.

Dito ay nabanggit ni James kung bakit niya sinagot ang mean comments ng ilan sa bashers nila ni Nadine sa librong Team Real.

Paliwanag niya, “'Cause actually I didn’t want to put that part in the book.

“I did [answer] but I didn’t want to.

“In real life, I would never answer bashers.

“But that’s for the sake of, you know, just [for the fans] to hear what’s in my head.”

Sa kabilang banda, maging si Nadine ay hindi rin nagpatinag sa mean comments na ibinabato laban naman kay James.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kabilang na rito ang espekulasyong mayroon diumanong “sex scandal” ang aktor.

Depensa ni Nadine kay James, “Parang alam ko naman sa lahat, wala naman po.

“Tatawanan ko na lang din po ‘yan.”

Ano naman ang masasabi ni Nadine sa komento ng ibang bashers na hindi siya totoong mahal ni James?

Sagot ni Nadine, “Bakit niya alam? Siya ba si James?”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN