Matteo Guidicelli speaks up about rumored pregnancy of Sarah Geronimo

Matteo Guidicelli on girlfriend Sarah Geronimo: "Sarah is okay and we're both busy with our work. She's happy where she is and, you know, she's been working her whole life. So, I think she deserves a break and deserves to be happy also."


Nasa Europe si Matteo Guidicelli nang pumutok ang balitang buntis daw ang kasintahan niyang si Sarah Geronimo.

Ayon pa sa kumakalat na balita, ito raw ang dahilan kung kaya’t pansamantala munang mamamahinga sa showbiz ang Pop Princess.

Pero dahil nasa abroad nga si Matteo, clueless siyang may ganung balita tungkol kay Sarah.

Sabi ng Kapamilya actor, “Hindi nga ako updated dahi hindi ko naman tsine-check ang mga balita dito.

“I heard na buntis siya and all this stuff.”

Diin pa niya, “Wala, wala naman tayong reaksiyon.

“Hindi naman totoo, e.

“Ano naman ang ire-react natin kung hindi naman totoo?

“Some people are just making up stories and stuff.

“It’s 100-percent guarantee, it’s not true.”

Ayon din kay Matteo, “Sarah is okay and we’re both busy with our work.

“She’s happy where she is and, you know, she’s been working her whole life.

“So, I think she deserves a break and deserves to be happy also.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Matteo sa taping ng ABS-CBN primetime series na Dolce Amore ngayong araw, June 23.

NOTHING TO HIDE. Tiniyak din ni Matteo na kung sakali mang totoong mabuntis si Sarah ay hindi nila ito itatago.

Saad niya, “Siyempre, paano naman itatago, e, kahit nga mag-mall kami, hindi namin naitatago?

“So, paano pa pag nabuntis, di ba?”

Paninindigan din daw ni Matteo kung sakaling mabuntis ang kasintahan.

“Of course, of course, but she’s not pregnant.

“She’s fine, everything is fine.”

Sinegundahan din ni Matteo ang sinabi ni Sarah na “for medical reasons” kung bakit magbabakasyon ito ng ilang buwan sa ibang bansa.

“She was just feeling really bad these past few weeks.

“But she’s okay, she’s happy.

“Sarah is happy, everything is fine.”

Hindi naman daw seryoso ang kung anumang dinadamdam ni Sarah.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Matteo, “No. Yeah, she told me.

“Wala lang, she’s not feeling well, but she’s fine.

“I think she needs a break, she needs time for herself.

“She’s matured, she’s growing, she’s 28 early next month.

“She’s happy, I’m very happy for her.”

May balak ba siyang sumunod kung saan magbabaksyon si Sarah?

Sagot ni Matteo, “Kung hindi tayo busy, pero nasa Dolce Amore pa tayo.

Medyo matagal pa itong Dolce Amore.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN