Juancho Trivino more confident about his acting

Magkaibang Mundo lead star Juancho Trivino recalls how he was as an actor before: "Dati kasi, siyempre hindi naman malalaki ang role ko, so parang minsan mas gusto kong doon lang sa background."


Kung dati ay mahiyain pa sa pag-arte, naging mas kampante na raw si Juancho Trivino ngayon.

Ayon sa dating Little Nanay actor, napansin niya ang malaking pagbabago sa kanyang kakayahan nang mabigyan siya ng pagkakataong maging leading man sa drama-fantasy series ng GMA Network na Magkaibang Mundo.

Mas confident ako ngayon.

“And kapag confident ka kasi, mas natural na lumalabas yung mga nuances and acting pieces.

Dati kasi, siyempre hindi naman malalaki ang role ko, so parang minsan mas gusto kong doon lang sa background.

Pero alam kong mali 'yon.

“Pero ngayon na binigyan na ako ng project, iba na,” pagbabahagi ng 23-year-old actor.

Bagamat alam niyang malaking responsibilidad ang kanyang ginagampanan sa teleserye, alam din daw ni Juancho na may tiwala sa kanya ang home network niya.

Hindi ko iniisip kung papaano ko dadalhin. Malamang I was put there for a reason.

Maybe GMA saw something in me.

So, gagawin ko na lang yung ginagawa ko before and push to be better.”

Ayaw rin daw isipin ni Juancho ang pagkukumpara sa kanya sa iba pang Kapuso leading men.

Kung iniisip ko kasi to be compared to other people, lalo lang may unwanted pressure, di ba?

Kailangan lang talaga magaling ka sa lahat ng bagay, pagandahin ko ang katawan ko, pagalingin ko ang acting ko.”

May pressure ba kay Juancho kung mahanay na siya sa kilalang leading men ng Kapuso network?

Sagot niya, “Hindi naman ako nape-pressure kasi, para sa akin, gusto ko lang talaga gawin ang best ko in everything.

“Ipapakita ko lang talaga sa mga tao kung ano ang meron ako.

Nakaka-pressure lang naman yung comparison.

“Pero kapag hindi mo iniisip ang comparison, you're just doing your job well, hindi ka mape-pressure.

Kung nagugustuhan ng mga tao, e di good. Kung hindi, e, di fine.

Basta ako, ginagawa ko ang best ko at pinapakita ko sa ibang tao.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang writers si Juancho sa inihandang pocket press conference ng GMA Network para sa kanya kahapon, June 23.

GETTING FITTER. Bukod sa pagpapabuti ng kanyang pag-arte, kapansin-pansin din ang pagbabago sa pangangatawan ni Juancho.

Ayon sa aktor, kailangan niyang i-maintain ang magandang pangangatawan dahil lagi siyang nakikitang topless sa Magkaibang Mundo.

Itong Magkaibang Mundo, naghuhubad ako. Pangit naman tingnan kung medyo mataba,” sabay tawa niya.

Bagamat handa na siya sa mga ganitong klase ng role, alam daw ni Juancho kung hanggang saan lang ang puwede niyang gawin.

Hindi ko masabi pero I'm willing to do stuff naman. May limit naman.

Lahat naman ng puwedeng gawin sa TV, kaya kong gawin.

Sa pelikula, hindi ko pa na-experience, pero siguro for the sake of art.

“Kapag may na-offer siguro sa akin at saka ko pag-iisipan.”

Amindo rin si Juancho na dahil sa kanyang role bilang Elfino, nagkaroon ng malisya sa ilang manonood ang madalas na pagiging topless niya.

Hindi naman kasi maiiwasan sa career 'yon.

Kailangan talaga ng ganung factor.

“Siyempre, para mas marami kang puwedeng kayang gawin,” nakangiting sabi niya.

COSMO BACHELOR. Kaugnay ng pag-aalaga sa katawan, handa na rin daw si Juancho na maging bahagi ng taunang listahan ng Cosmo Bachelors.

Kung dati raw ay hindi siya confident na makipagsabayan sa Cosmo Bachelors, kaya na raw niya ngayon.

Medyo pahanda na ang katawan ko, unlike the previous years na hindi talaga.

Ngayon, parang kayang-kaya na,” sabi niya.

Para kay Juancho, na aminadong hindi naman marunong sumayaw at kumanta, “It's a venue na gusto ko rin masubukan kasi halos lahat ng leading men, artistang lalaki, sumasabak sa ganun.

Hindi naman ako pine-pressure pero alam ko rin naman sa sarili ko na papunta na doon.

Siyempre, hindi rin naman ako kumakanta o sumasayaw.

Kailangan lang din may iba pa akong kayang ipakita.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN