Boy Abunda: "Kris Aquino and ABS-CBN are talking."

Itinanggi ni Boy Abunda ang mga usap-usapang hindi raw ni-renew ng ABS-CBN ang kontrata ni Kris Aquino dahil limang taon daw ang hiniling nito sa management. Ang alam daw niya ay patuloy na nag-uusap ang management at si Kris para sa possible shows na gagawin nito pagkabalik galing sa Amerika.


Masayang ibinalita ni Boy Abunda na pauwi na si Kris Aquino sa Pilipinas mula sa lagpas isang buwan na ‘wellness vacation’ sa Amerika.

Kuwento ng King of Talk, “She's coming home.

“I think over the weekend, hindi ko lamang alam kung anong araw eksakto, kung Sabado, Linggo, Lunes, but she will be home.”

Pero ngayon pa lamang ay may lumulutang na balitang sa pagbabalik ni Kris, may dalawang shows na raw na nakahanda para sa kanya ang ABS-CBN.

Ngunit ayon kay Boy, “I am not in the position to discuss, pero I know ABS-CBN and Kris are talking about a possible show or shows.

“You know, klaro naman yun, e, na kapag halimbawa bumalik si Kris, ang pagkakaalam ko, ha, kapag siya'y nagdesisyong bumalik, sila'y uupo ng ABS-CBN kung ano ang palabas na puwede nilang gawin together.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilan pang miyembro ng media si Boy sa launching ng bago nitong iniendorsong produkto, ang Tocoma or Total Colon Management Dietary Allowance.

Ginanap ang presscon sa Luxent Hotel, sa Timog Avenue, Quezon City, kagabi, June 23.

RENEWAL. Inusisa rin ng PEP si Boy tungkol sa diumano'y hindi pagri-renew ng kontrata ni Kris.

Limang taon daw ang hiningi ni Kris sa management ng ABS-CBN, pero ayon sa mga lumulutang na balita, isang taon lang daw ang inalok ng istasyon sa Queen of All Media.

Pahayag ni Boy, “’Yan ang hindi ko alam. What do I say about it?

“It's unlikely that an artist go to a network and say na, 'Gusto ko ng limang taon.'

“A contract is a mutual agreement between the network and the artist.

“Pinag-uusapan yun, pati yung length ng contract, cost of contract.

“Hindi ko alam... I'm not privy into their discussions, but sa pagkakaalam, when we sit down for negotiations, pinag-uusapan yun.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May balita din noon na ang Tonight With Boy Abunda ay isang transition show lamang para sa panibago nilang show ni Kris.

Pero sabi ni Boy, nagustuhan ng management ang takbo ng kanyang solo program kaya mananatili ito sa ere.

Ikinuwento rin niya na palagi silang nag-uusap ni Kris sa telepono ng halos isang oras kaya alam niya ang nangyayari sa bakasyon nilang mag-ina.

Base sa huling pag-uusap nila, kumusta naman ang kalagayan ni Kris?

Sabi ni Boy, “Maraming mga balita... wala naman.

“Alam mo naman si Kris, [nagkukuwento ng] mga bagay-bagay lamang na [kung anu-ano].”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN