John Lloyd Cruz wins his first Gawad Urian for Best Actor

John Lloyd Cruz on his journey as an actor: "Hindi yung award, it's the honor that goes with it. Importante talagang ma-highlight yung hard work mo, yung patience mo, yung pagtitiyaga. Di rin naman ako tumigil… Naghintay lang ako ng tamang panahon."


Kahapon, June 24, ay nagdiwang ng kanyang 33rd birthday ang Kapamilya actorna si John Lloyd Cruz.

Simple lang ang kanyang birthday wish: “Sana gumaling na yung uncle ko… that would make my mom very, very happy.”

Dalawang araw bago sumapit ang kanyang kaarawan, nakatanggap ng maagang regalo si John Lloyd.

Ito ay nang magwagi siyang Best Actor sa 39th Urian Awards para sa kanyang pagganap sa pelikulang Honor Thy Father. Ito ang unang award ni John Lloyd sa nasabing award-giving body.

Ayon sa aktor, “kabadong-kabado” siya noong mismong awards night sa kabila ng kanyang double nomination.

Nominado rin siya para sa pelikulang A Second Chance.

Kabilang sina John Arcilla [Heneral Luna], Lou Veloso [Dog Show], at Dennis Trillo [Felix Manalo] sa mabibigat na nakalaban ni John Lloyd; at ang mga ito raw ang nagpakaba kay John Lloyd.

Pahayag niya, “Siyempre, when you’re in a company of all these artists, ito ang mga kasama ko sa industriya, e.

“Sa presence pa lang nila, kapag nandun ka, dun pa lang, dinadaga ka na.

“Akala ko talaga si Kuya John, nakita ko yung ginawa niya, it’s breathtaking.

“Isa rin sa rason kung bakit di ako kakumportable sa award.

“I really find it subjective, subjective siya sa tumitingin.

“Kung ako ang tatanungin, hindi ko ibibigay ito sa sarili ko.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si John Lloyd sa gabi ng Gawad Urian sa KIA Theater noong Miyerkules, June 22.

Sabi pa niya, “Okay na, medyo kumakalma na ang loob ko.”

LONG JOURNEY. Hindi raw naniniwala si John Lloyd sa mga awards, ito ang pambungad niya sa kanyang acceptance speech sa Gawad Urian.

Paliwanag niya, “Hindi yung award, it’s the honor that goes with it, e.

“Yun ang mas mahalaga para sa akin, sa paghihintay ko for the right time, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It’s a long process, ang tagal kong hinintay yung pagkakataon na yun.

“Di ko naman inakala na may kapupuntahan yung pagsusugal ko.

“Kaya importante yung mga binigkas kong salita dahil yun ang suma total ng aking journey.

“Ang kabuuan ng aking pinagdaanan, napaka-personal kasi ng choices mo.

“Ikaw lang ang makakapagsabi kung masaya ka ba sa naging desisyon mo o hindi.

“Wala namang maling desisyon o di tama, e.

“Kung ano lang ang kaya mong panindigan, kung saan ka magiging masaya.”

Ayon pa sa aktor, may bunga ang lahat ng pagtitiyaga at pagmamahal sa trabaho ninuman.

“Di ko rin alam kung paano napunta lahat dito.

“Importante talagang ma-highlight yung hard work mo, yung patience mo, yung pagtitiyaga.

“Di rin naman ako tumigil, talagang nag-ingat lang ako sa mga choices ko.

“Naghintay lang ako ng tamang panahon.”

EX-BOSS. Isa sa pelikula ni John Lloyd na kaabang-abang ay Ang Babaeng Humayo.

Dito ay makakasama niya sa kauna-unahang pagkakataon ang dating presidente ng ABS CBN na si Charo Santos-Concio.

Nagpapasalamat nga raw ang nagbabalik na aktres na tinanggap ni John Lloyd ang pelikula para magkasama sila sa isang proyekto.

Sabi naman ni John Lloyd, “Oo naman, I mean, pag mga ganung pagkakataon, parang kasalanan yung humindi.

“Kung puwede namang magawa, may panahon ka, kaya mong mag-commit ng oras mo…

“Walang rason para di siya magawa, that’s an opportunity I wouldn’t miss.”

Nakaramdam ba naman si John Lloyd ng pagka-ilang na dating boss niya ang kanyang kasama ngayon sa trabaho?

Sabi niya, “The whole time I was with her in Mindoro, I never saw the Ma’am Charo that we knew.

“She got really immersed with the character, and the character yung ka-deal ko.

“That was a big help, napalaking tulong nun.

“Mas naging organic yung journey namin together, maganda yung the whole experience.”

Ang Babaeng Humayo ay pelikula ng Cinema One Originals. Tila tuluy-tuloy na ang paggawa ni John Lloyd ng indie films?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, “Sa utak ko, hindi naman talaga siya dapat mahati, e.

“Marami kasi ang umaabuso ng term na indie, I’d rather na tukuyin natin ang cinema as a whole.

“Itong mga ito, hindi naman ako tumitigil sa mga ginagawa ko kahit noon pa.

“Ganun pa rin ang pagtanggap at paggawa ko ng pelikula so wala namang nagbabago.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN