Loisa Andalio admits Joshua Garcia was once her special someone

Loisa Andalio gives equal rating to the three young stars being paired with her. She describes Yves Flores as "professional" and "fun," Joshua Garcia as her "kakulitan," and Jerome Ponce as "Chill lang… ang gaan sa pakiramdam."


Sa kauna-unahang pagkakataon ay pagtatambalin ng ABS-CBN sina Loisa Andalio at Jerome Ponce sa pamamagitan ng Wansapanataym Presents Candy’s Crush.

Nagkasama na ang dalawa sa Nasaan Ka Nang Kailangan Kita, pero hindi sila magka-pareha dun.

Sabi ni Loisa, “Kami yung chill lang, siyempre masaya sa opportunity na magka-work kami ni Jerome.”

Naipareha na rin siya kina Joshua Garcia at Yves Flores. Paano ikukumpara ni Loisa ang tatlo niyang ka-love team?

Ayon sa young actress, “Si Jerome, sobrang work talaga, mapapa-focus ka talaga sa work mo.

“Si Joshua naman, kulitan lang, ini-enjoy lang namin yung company ng bawat isa.

“Si Yves naman, professional lang siya sa work, tinutulungan din niya ako, ayun, fun.”

Sa tatlong nakapareha, mayroon kayang nanligaw kay Loisa?

Sagot niya, “Siguro may nagpaparamdam pero wala pa naman akong balak na mag-boyfriend.

“Ayokong magsalita, ayoko namang sabihin na feeling ako, nag-a-assume.

“Ayoko na lang sabihin kung sino.”

SPECIAL FRIEND. Nilinaw naman ni Loisa ang balitang naging boyfriend niya si Joshua.

Aniya, naging espesyal sa kanya ang dating kapareha, pero hindi niya ito naging boyfriend.

“Hindi, hindi ako broken-hearted, going strong.

“Siguro iniisip nila na hiwalay na relationship kasi hindi kami magkatrabaho.

“Di naman porke’t magkatrabaho kayo, kayo na.

“Di naman porket’s di kayo magkatrabaho, break na kayo.

“Siguro special someone, oo, mutual, yun na lang, pero di kami talaga.”

May komunikasyon pa naman daw sila ni Joshua, madalang nga lang.

Sabi ni Loisa, “Hindi na kami masyadong nakakapag-usap kasi busy din siya sa work.

“Nasa Barcolena siya [para sa movie] ng KathNiel, siyempre binibigyan ko din siya ng space.”

May natutunan naman daw si Loisa sa nangyari sa kanila ni Joshua.

Bahagi niya, “Dun din ako natuto… pag di mo nakakasama ang isang tao, mas lumalawak ang mundo mo.

“Mas nakakapaghalubilo ka na sa iba, di ka lang nakukulong sa isa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung mas naggu-grow ka as individual.”

POSSIBILITIES. Maaari kayang may ma-develop sa kanilang dalawa ni Jerome ngayong sila ang magkapareha at madalas nagkakasama?

Sagot ng dalaga, “Hindi natin masasabi kung ano ang mangyayari sa mga susunod na araw, kaya go with the flow and enjoy.”

Dagdag pa ni Loisa tungkol kay Jerome, “Malakas ang sense of humor niya.

“Masaya lang siyang kasama, ang gaan sa pakiramdam.

“Chill lang pag kasama mo siya, parang walang problema.”

Aminado rin ang young actress na mixed emotions ang nararamdaman niya sa tambalan nila sa Wansapanatayam.

“Masaya at kinakabahan kasi first time kong mag-Wansapanataym.

“At first time ko dito sa Dreamscape, sobrang kinakabahan ako.

“Hindi ko alam kung ano ang ini-expect nila sa akin, pero ibibigay ko ang best ko.”

Pero hindi na raw kailangang mag-adjust pa sila ni Jerome sa bagong tambalan nila.

“Kasi automatic na lang kami na naging close pagdating dito sa location.

“Marami akong pinag-i-stress-an pero nandiyan si Jerome.

“Lagi akong nire-remind na ‘wag problemahin ‘yan, may mas malaki pang problema diyan,” ani Loisa.

Mapapanood na sa June 26 sa ABS CBN ang Wansapanataym Presents Candy’s Crush.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN