Kiko Matos sprays urine at Baron Geisler during final weigh-in

Kiko Matos sprayed urine at Baron Geisler and said: "Inumin mo ang ihi ko."


Literal na naging madumi ang muling pagkikita nina Baron Geisler at Kiko Matos bago ang pinakahihintay na mixed martial arts exhibition match nila bukas, June 25.

Sa pinakahuling weigh-in para sa tinaguriang 'Fight Night' ng Universal Reality Combat Championship (URCC), muling nagharap ang dalawang aktor para sa photo op sa media.

Subalit habang magkaharap, mapapansin na may inabot ang isang lalaki kay Kiko.

Pagkatapos ay inilabas ng indie film actor ang isang spray container, itinutok kay Baron, at sinabing: “Baron, inumin mo ang ihi ko!”

Matapos makaiwas, binalikan naman ni Baron si Kiko, “Kainin mo ang tam*d ko sa laban!”

Nang muling tangkain ni Kiko na i-spray-an si Baron, sinabihan siya ng huli ng: “Shower me with your love. I'm gonna make you my b*tch.”

Sinabi naman ng umawat sa kanila na taga-URCC, “Let's settle that tomorrow.”

Sagot ni Baron, “Why can't we settle it now?”

Sinundan pa ito ng muling pagpapalitan ng mura sa pagitan nina Kiko at Baron.

Matutunghayan ang two-round exhibition match nina Baron at Kiko bukas, June 25, sa Valkyrie, The Palace, sa Uptown BGC, Taguig City.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN