Judy Ann Santos tackles weight issue now that she's facing the camera again

Judy Ann Santos, no doubt, will push herself to get back her ideal weight. First of all, she firmly believes in looking good for her husband Ryan Agoncillo. "Importante yun, kapag nawala yun, maalarma ka na. Kung walang physical attraction, magdo-domino effect na yun to emotion, lahat… when you're married, it's a constant work and progress," she says.


Ilang taon na ring kasal sina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo kaya hindi naman kataka-taka na kung minsan ay dumaraan sila sa mga pagsubok at intriga.

Ang mahalaga raw ay nananatiling matatag ang pagsasama nilang dalawa kasama ang kanilang tatlong anak na sina Yohan, Lucho at Luna.

Ayon sa aktres, “Siguro parang feeling ko, importante rin na nag-e-enjoy kayo, napagtatawanan niyo ang isa’t isa.

“Nagagawa niyo pa rin na nagdi-date kayo, you talk to each other as friend, as husband and wife, as parents.

“Ano naman kami ni Rye, natatanggap ko kung ano ang critique niya sa akin, ganun din naman ako sa kanya.

“Siguro, along the way, may mga bagay na hindi napag-uusapan ng mag-asawa, kapag pinalipas niyo, lumalaki.

“Natatakpan ng ibang bagay hanggang sa bumigat na nang bumigat hanggang sa may isa ng lumet go.”

Naniniwala rin si Juday na sa pagsasama ng mag-asawa, kapag may isang kumalas, mahirap na raw mabuo.

“Kapag may isa ng lumet go, wala na yun, mahirap na, e,” saad niya.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Judy Ann sa shooting Cinemalaya movie at Palanca awardee na Kusina.

STAYING ATTRACTIVE. Sa punto ng letting go, malayo mang mangyari ito sa kanila ni Ryan, masasabi bang matapang na magagawa ito ni Judy Ann kung sakali?

Tugon niya, “Hindi ko masasabi, hindi ko talaga mapi-predict.

“Hindi mo masasabi kung ano ang puwede mong maramdaman at that moment.

“Iba-iba ang sitwasyon, iba-iba ang dating ng mga tao sa bugso ng damdamin.

“Hindi mo alam kung tama pa ba ang sinasabi mo, kung tama pa ba ang ginagawa mo.

“Basta ang alam mo lang, you want to get even.

“You know for yourself na tama yun kasi ikaw ang nadehado, e.

“Pero ako, babalik naman talaga ako dun sa dapat mas maaga, napag-uusapan, mas okey.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May mga nagsasabing naghahanap minsan ng iba ang lalaki sa mababaw na dahilan.

Kesyo nag-iba na ang pigura ng babae o hindi na ito masyadong nakapag-aayos.

Sabi naman ni Judy Ann, importante talaga na hindi pa rin napapabayaan ng asawang babae o kahit ng lalaki ang pisikal na anyo.

“I think importante yun. Kapag nawala yun, maalarma ka na.

“You should do something about it.

“In the first place, you married your husband because of physical attraction.

“Kung walang physical attraction, magdo-domino effect na yun to emotion, lahat.

“I think when you’re married, it’s a constant work and progress.”

BOLD MOVE. Naging matapang naman si Judy Ann sa desisyon niyang gawin ang pelikulang Kusina.

Kapapanganak pa lang niya at hindi pa siya halos nakapagpapayat, hindi malayong mapintasan siya.

“Tanggap ko, hindi naman talaga ako magpapanggap!” natawang sabi ni Juday.

Limang buwan pa lang ang newborn nila ni Ryan na si baby Luna.

Isang secure na artista lang na kahit lumobo na ang timbang ang papayag na lumabas sa big screen.

Biro ang sagot ni Juday sa komento: “Lalo tuloy akong na-pressure!”

Kung noon ay nakapagbalik-alindog agad pagkapanganak niya kay Lucho, duda raw si Judy Ann na madali siyang makakapagpapayat ngayon.

“Hindi nga ako confident,” natawang sabi niya, “siyempre tumanda rin ako ngayon.

“Tapos nagbi-breastfeed ako kaya hindi rin madaling magpapayat.

“Konti kasi ang gatas ko kaya nagmi-mix ako.

“Habang nagla-latch siya sa akin, gusto ko siyang i-nurture.

“Plus, yun nga, na-CS [caesarean section] ako, so hindi ako puwedeng mag-workout nang todo-todo.

“Ibang-iba, as in ibang-iba talaga.

“Iba kasi yung kaya mo, malakas ka, pero kaya mong pigilin.

“Kailangan mong magpigil ng lakas kasi hindi mo alam kung kailan yung kaya ng katawan mo.”

Ayaw rin daw niyang magbigay ng deadline kung saan kailangan niyang maibalik sa fighting form ang katawan niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Katuwiran ni Judy Ann, “Yung kay Lucho naman, pumayat ako ng husto after two years, dalawang taon ko yung trinabaho.

“Bago ko na-achieve ang ideal weight and ideal fitness form, it took me two more years.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN