Judy Ann Santos on possible movie with Piolo Pascual: "In time, mahaba pa naman ang buhay."

Apart from her rumored movie with Piolo Pascual that never was, Judy Ann Santos also doubts that her botched teleserye project with Richard Yap will ever see the light of day. She explains, "Parang feeling ko, nabantilawan na yung proyekto. Kapag pinilit, baka mahilaw."


May mga nababalita na ang comeback project daw ni Judy Ann Santos sa ABS-CBN ay ang balik-tambalan nila ni Piolo Pascual.

Pero natawang sabi ni Judy Ann tungkol dito, “Nakakagulat, hindi ko alam kung saan nanggagaling ang balita. Walang nakakarating sa akin,” sabi niya.

Wala pang formal offer?

“Wala pang nakakarating sa akin… five years ago nung nagtanong sila kung puwedeng gumawa ng movie.

“Pero walang nagtanong sa akin ulit.”

Kung may magtanong o mag-alok sa kanya ngayon, handa na ba siya?

Tugon ng aktres, “Well, palagi ko namang sinasabi na given the right project.

“Hindi kami gagawa ng pelikula na ganito ang hitsura ko, basta yung nasa maayos na imahe.”

Kapapanganak pa lang ni Judy Ann kay baby Luna, ang bunso nila ni Ryan Agoncillo na limang buwan pa lamang.

Medyo matatagalan daw nang konti bago bumalik ang katawan niya sa dati.

“Baka naman maging mascot ako ni Piolo kung gagawin ko yung pelikula!” biro pa niya.

Nakausap namin si Juday sa shooting ng indie movie niya na Kusina na entry sa Cinemalaya Film Festival.

BOTCHED PROJECTS. Alam naman daw ni Judy Ann na kahit matagal na ang love team nila ni Piolo, marami pa rin ang nae-excite na fans na mapanood silang magkasama.

“Oo naman, oo naman. hindi naman mawawala yun, lahat naman nagbalik-tandem.

“It’s not impossible, but I would rather do it na plakado lahat.

“Maayos, walang isyu, walang ano… in time, mahaba pa naman ang buhay.”

Bago mabuntis si Judy Ann kay Luna ay isang teleserye sana na kasama si Richard Yap ang nakalinyang gagawin niya. Posible pa rin ba itong matuloy?

Saad niya, “Ang alam ko, well, parang feeling ko, nabantilawan na yung proyekto.

“Kapag pinilit, baka mahilaw, kawawa naman si Richard.

“Parang ayoko naman siyang i-subject sa isang situation na pareho kaming nag-a-adjust.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“He deserves better, a teleserye na, you know, magba-validate ng pagiging actor niya.

“Kesa sa ipu-push natin sa isang character na naghintay, tapos nabuntis ako, tapos yun pa rin.

“Parang unfair para sa kanya, pero sabi rin naman niya, ‘Naghihintay lang ako.’”

Hindi ba siya tinatanong ng ABS-CBN kung kailan siya magiging handa sa pagbabalik-telebisyon?

Sabi ni Judy Ann, “In fairness sa kanila, walang ganun, naghihintay lang sila.

“Alam naman nila kung ano ang naging sitwasyon ko, hindi ako makakapagpapayat agad.

“Ako pa nga yung nag-aano na, ‘Medyo kailangan pa po ng time.’ Ano naman si Tita Cory [Vidanes].”

Pakiramdam daw ni Juday, hindi pa talaga siya bubuhos ngayong taon, paisa-isa lang daw siguro.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN