Dawn Zulueta's husband Rep. Anton Lagdameo gets threats

Dumulog ang kampo ni Davao del Norte Rep. Anton Lagdameo at ang misis nitong aktres na si Dawn Zulueta sa National Bureau of Investigation (NBI) pagkatapos nila diumanong makatanggap ng pagbabanta at pagmamanman ng mga hindi pa nakikilalang mga tao.


Dumulog ang kampo ni Davao del Norte Rep. Anton Lagdameo at ang misis nitong aktres na si Dawn Zulueta sa National Bureau of Investigation (NBI) pagkatapos nila diumanong makatanggap ng pagbabanta at pagmamanman ng mga hindi pa nakikilalang mga tao.

Sa sulat ng legal counsel nina Anton at Dawn na si Atty. Rudolf Philip Jurado sa NBI, hiniling ng mambabatas sa nasabing ahensiya ang kanilang “kind assistance in protecting [Lagdameo and his family] and in uncovering the identity or identities of the person or persons behind these threats.”

Ayon naman sa text message ni Atty. Jurado sa The Philippine STAR, posibleng may kinalaman ang mga pagbabantang ito dahil sa pangangampanya ni Lagdameo kay Sen. Bongbong Marcos for vice president noong nakaraang eleksyon.

Sa sulat ng abugado sa NBI, sinabi nitong nakatanggap diumano si Lagdameo ng dalawang mensahe sa text kung saan binabantaan siya dahil sa mga isyung may kinalaman sa pulitika.

Ito ang nilalaman ng unang mensahe na natanggap nila noong May 14: “Please tigilan na ng kuya mo ang ginagawa ninyong tulong. Nakamonitor na kayo simula pa pagpunta u ng Davao. Ung tao mo sa Cotabato pauwiin mo naren at baka madamay pa salamat. – GT.”

Noong ding araw na iyon, isang lalaking nakasakay raw sa gray Toyoya Innova na walang plate number ang namataang kumukuha ng litrato ng anak na lalaki at babae nina Anton at Dawn.

Muling nakatanggap ng text message si Lagdameo noong May 26 na ang nilalaman ay ito: “Ang dakilang magaling na tao ni macoy, payong kapatid tigil mo na sobrang pakekelam mo at baka magsisi ka. Awatin mo din aso mo masyadong pakelamero kawawa kayo batman n robin.”

Idinagdag din ni Atty. Jurado sa kanyang sulat sa NBI na apat na taong nakasakay sa dalawang motorsiklo ang nagtanong sa kinaroroonan at schedule ni Dawn habang nagsu-shooting ito ng pelikula sa Laguna.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Noon naman daw June 22, isang lalaki ang nagtangkangang kunin ang anak na lalaki nina Anton at Dawn habang palabas sa eskuwelahang pinapasukan nito.

Ngunit nabigo raw ang nasabing lalaki sa kanyang plano dahil dumating ang security escorts ng bata.

Napansin din daw ng mga kasambahay nina Anton at Dawn ang isang kahina-hinalang sasakyan na nakaparada sa harapan ng bahay ng mag-asawa sa Makati City.

Pahayag pa ng abugado, “This matter now became a growing concern for our client since his work, and that of his wife, constrain them to be in front of, and near, the public, which would make them very easy targets should these threats be true, not to include their minor children who are mostly vulnerable while or when they are going to or from their schools.”

Sinabi rin ni Atty. Jurado na ang akala ni Rep. Lagdameo ay titigil na ang mga pagbabanta sa kanya at sa kanyang pamilya pagkatapos ng eleksyon o hanggang sa proklamasyon ni Vice President-elect Leni Robredo, na tumalo kay Bongbong Marcos.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN