Yasmien Kurdi proud of enduring friendship among StarStruck batchmates

Yasmien Kurdi is happy about the enduring friendship and camaraderie among her fellow StarStruck batchmates: "Siguro po dahil we care for each other? Pag meron pong isang 'nawawala' or nada-down, tinutulungan po namin. Hindi po kami selfish, like kung sino po'ng nangangailangan, nandun po kami. Nandun po yung help namin lagi, kung sino ang nangangailangan."


First Princess o runner-up si Yasmien Kurdi sa pinakaunang season ng StarStruck, ang reality-based artista search ng GMA Network na nagsimula noong 2003.

Ano ang opinyon niya tungkol sa sinasabi ng marami na wala pa ring nakakatalo sa batch nila; na the best pa rin ang season one kumpara sa lima pang seasons ng naturang artista search ng GMA?

Pahayag ni Yasmien, “Siyempre ano po, masaya po kasi yung relationship namin bilang friends, name-maintain namin hanggang ngayon and yung samahan namin, which is real na samahan.

“Nagkaroon kami ng mga totoong kaibigan sa loob at sa labas ng industriya.”

Bukod dito, karamihan sa batch nila ay aktibo pa rin hanggang ngayon sa showbiz; tulad nina Jennylyn Mercado, Mark Herras, Katrina Halili, Sheena Halili, Cristine Reyes, Nadine Samonte, Dion Ignacio, at ang nagbabalik na ngayon na si Rainier Castillo.

“Siguro po dahil nauna,” pahabol niya.

Bukod doon?

“Siguro po dahil we care for each other? Pag meron pong isang 'nawawala' or nada-down, tinutulungan po namin.

“Hindi po kami selfish, like kung sino pong nangangailangan, nandun po kami.

“Nandun po yung help namin lagi, kung sino ang nangangailangan.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Yasmien sa presscon ng bagong afternoon soap na Sa Piling ni Nanay.

SECOND FAMILY. Loyal at faithful si Yasmien sa GMA. Ano ang masasabi niya sa ibang nanggaling sa StarStruck na umalis sa Kapuso network?

Tugon niya, “Hindi naman po ibig sabihin na masama po sila kung umalis sila or what.

“I guess career move nila yun. Kung doon sila mas nakaka-excel sa career nila, why not?

“Kung lilipat sila and dun sila mabibigyan ng project and opportunities.”

Thirteen going fourteen years na si Yasmien sa GMA.

Ano ang sikreto ng kanyang pagiging loyal Kapuso?

“Siguro yung pag-aalaga nila—yung mga nanay-nanayan namin, like sina Ma’m Lilybeth [Rasonable], si Ms. Redgie [Magno]... ang dami nilang nag-aalaga sa amin,” pagtukoy ni Yasmien sa ilan sa mga big bosses ng GMA.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag pa niya, “Hindi nila kami pinapabayaan and siguro nandun kasi yung love, na hindi lang siya as co-worker e, as family pa!

“Nararamdaman mo yung care nila for you.”

Kasama ni Yasmien sa Sa Piling Ni Nanay ang mga ka-batch niya sa StarStruck na sina Mark at Katrina.

Wish nga raw sana niya ay kasama rin sina Jennylyn at Rainier para kumpleto na silang top four ng batch one ng StarStruck.

“Wish ko po na sana magkaroon kami ng isang proyekto na magkakasama po talaga kaming lahat.”

WILL DAUGHTER JOIN SHOWBIZ? Papayagan ba nila ng mister niyang si Rey Soldevilla, Jr. na mag-artista ang anak nilang si Ayesha Zara?

Saad ni Yasmien, “Naaalala ko nung bata po ako, medyo yung utak ko po kasi nung bata, parang pabagu-bago. Hindi ko po alam yung gusto kong gawin.

“Ang dami kong gustong gawin to the point na, at the end, hindi mo alam yung gagawin mo talaga.

“So, ayokong dumating sa point na…

“I guess, hindi pa talaga stable yung utak ng tao pag ganun pa kabata ang edad.

“It’s better na kunyari, pag gusto niyang pumasok sa showbiz, papasok siya kapag alam na niyang stable ang utak niya.

“Na nakatapos na siya ng degree and then alam na niya talaga yung gusto niya.”

May nakikita ba siyang ugali o kilos ni Ayesha na tulad ni Yasmien?

Aniya, “Ano po, medyo yung kung ano ang gusto niya, gusto niya.”

Talent-wise, may nakuha ba ang anak niya sa kanya?

Sagot niya, “Ano po, sumasayaw, kumakanta din naman po.

“Tapos, inaartehan din ako, so I guess iyon po.

“Pero ayoko na muna po na yung talent niya i-close lang sa singing, acting and dancing, kasi baka meron pa siyang wider pa doon na puede pang ma-explore aside from entertainment.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN