Jolo Revilla saddened by dad's absence during oath-taking as Cavite vice governor

Newly sworn-in Cavite Vice Governor Jolo Revilla felt sad about dad Sen. Bong Revilla's absence during his oath-taking last Friday, June 24: "Sa totoo lang, sobrang lungkot ko kahit nakangiti ako, dahil parang hindi kumpleto dahil wala yung tatay ko.'"


Aminado si Jolo Revilla na malungkot siya sa oath-taking niya bilang reelected vice governor ng Cavite.

Ginanap ang oath-taking sa Holy Cross Parish Church sa Tanza, Cavite noong nakaraang Biyernes ng hapon.

Ang outgoing Cavite Governor Jonvic Remulla ang nag-administer ng oath-taking ni Jolo kasama ang bagong halal na governor ng Cavite na si Boying Remulla.

Doon din ginawa ang oath-taking kina Jolo noong 2013 kunsaan kasama pa niya ang dati niyang nobyang si Jodi Sta. Maria.

Ngayon ay sinamahan si Jolo ng kanyang mga kapatid at ng kanyang inang si Lani Mercado, na siya ring incoming Bacoor mayor.

Tinanong namin si Jolo kung si Jodi ba ang dahilan kaya malungkot siya sa kanyang oath-taking.

Napangiti ito, at matipid na sumagot na, "All I can say is, she has spoken.

"It was a mutual decision, and we'll be focusing on our own careers, and that's it."

MISSING HIS DAD. Saad ni Jolo, kaya raw siya malungkot ay dahil nami-miss daw niya ang kanyang ama na dapat siya ang magsusumpa sa kanila.

Dagdag na pahayag ni Jolo, "Sabi ko nga kanina nung katabi namin si Gov. Jonvic Remulla, sabi ko nga 'Gov, sa totoo lang sobrang lungkot ko kahit nakangiti ako, dahil parang hindi kumpleto dahil wala yung tatay ko.'"

Kahit si Lani ay nalulungkot din dahil dapat na nandun daw si Sen. Bong Revilla sa ganung mahalagang araw ng kanilang buhay.

"Siyempre, we always pray na nandito sana siya sa mahahalagang bahagi ng buhay namin.

"Three years ago, nandito pa siya sa amin at nag-oath pa kay Jolo at kay Jonvic Remulla.

"Ngayon, we miss him so much," pahayag ni Lani.

Pero nagkausap daw ang mag-ama bago ang oath-taking at nagpahayag naman si Sen. Bong na proud siya sa bagong achievement ni Jolo.

HOPEFUL FOR EVENTUAL RELEASE. Pero iisa raw ang dalangin ng buong pamilya na sana makalabas na raw si Sen. Bong sa Camp Crame.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi ko maikakaila na inip na inip na inip na ako.

"Hindi lang sa mga ganitong oras. Kahit sa mga simpleng panahon gusto ko katabi ko siya.

"Kaya lang talaga, mas gusto kong hikayatin ang mga nagmahal sa amin na lalo pang magdasal dahil nakikita kong malapit na yung panahong hinintay namin.

"Makakasama natin muli si Sen. Bong Revilla.

"Hopefully, sana soon, basta patuloy lang ang prayers," seryosong pahayag ni Lani.

MOM'S ADVICE. Hiningan na rin namin ng reaksyon si Lani tungkol sa breakup nina Jolo at Jodi. Ano ang ipinayo niya sa kanyang anak?

"Lakasan niya ang loob niya. Nandito kami sa kanyang likuran.

"Alam ko naman na hindi pa tapos ang lahat.

"Habang may buhay, may pag-asa.

|Bata pa naman siya," nakangiting pahayag ng susunod na alkalde ng Bacoor, Cavite.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN