JaDine fans react to James Reid's answer to mean comments

Some JaDine fans react violently to @pepalerts Twitter post about James Reid's response to mean comments published on his and Nadine Lustre's book Team Real.

 


Inalmahan ng fans ng tambalan nina James Reid at Nadine Lustre (JaDine) ang pahayag ng aktor tungkol sa mean comments na natatanggap nila mula sa social media.

Kaugnay ito ng Twitter post ng @pepalerts sa ginanap na presscon para sa inulunsad na librong Team Real, noong Huwebes, June 23.

Kakatwang may ilang netizens ang nagpahayag ng matinding reaksiyon sa Twitter post ng @pepalerts, gayong base ito sa ginanap na presscon proper ng nabanggit na libro.

Narito ang ilan sa comments ng netizens hinggil dito:

Nakatawag kasi ng pansin—mapa-media o netizens—ang isang bahagi ng libro kung saan nailathala ang iba’t ibang paraan ng pagsagot nina James at Nadine sa kani-kanilang bashers.

Kaugnay nito, binigyan ng pagkakataon ng Bulgar entertainment editor na si Janice Navida sina James at Nadine na depensahan ang isa’t isa hinggil sa nailathalang mean comments na natatanggap nila sa social media.

Tanong kay James: “How do you feel kapag si Nadine ay naba-bash?”

Sagot ni James: “It happens to all celebrities. There’s nothing we can do about it.”

Tanong ulit kay James: “Do you get hurt? Do you get affected?”

Sagot ni James: “No.”

Sa kabila ng maiiksing sagot ng aktor, naunang nabanggit ni James sa presscon na hindi raw talaga siya apektado sa kung anuman ang mean comments ng bashers, nakadirekta man ito sa kanya o kay Nadine.

WATCH: The way James Reid and Nadine Lustre answer back at bashers: WINNER!


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN