Jed Madela to basher who called him Ate Jed: "Ipagdasal na lang natin."

Ipinagkibit-balikat na lang ni Jed Madela ang pagtawag sa kanya ng 'bading' at 'Ate Jed' ng isang basher sa Twitter.


Hindi pinatulan ng singer na si Jed Madela ang isang basher na tinawag siyang "bading."

Sa isang palitan ng mensahe sa ginawang Twitter-con na #AskJed kahapon, June 26, sinagot ni Jed ang isang Twitter user, na may handle name na @DannyboyMabait, na tumawag sa kanyang ‘Ate Jed.’

May nagtanggol naman kay Jed na tagahanga niya ngunit hindi rin ito pinalampas ng basher.

Dahil dito, pinakalma ng Kapamilya singer ang kanyang tagahanga at hayaan na lang daw ang basher.

Dagdag pa niya, ipagdasal na lang nila ang buhay nito.

Hindi na bago kay Jed ang mga intrigang ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN