Anne Curtis slams netizen's attempt to create an issue between her and Sam Milby

Anne Curtis hits back at netizen over "funny and annoying" comment about her and ex-boyfriend Sam Milby


Binuweltahan ni Anne Curtis ang isang netizen dahil sa umano'y tangka nitong lumikha ng isyu sa pagitan niya at ng dating boyfriend ng aktres na si Sam Milby.

Idinawit pa ng nasabing netizen ang mga karelasyon ngayon nina Anne at Sam.

Boyfriend ni Anne ang Filipino-French na si Erwan Heussaff, habang nali-link si Sam sa Filipino-British model na si Mari Jasmine.

Noong nakaraang linggo, ipinost ni Anne sa kanyang Instagram account ang isang throwback photo nila ni Erwan, na kuha sa trip nila sa Croatia noong 2011.

Sa comment section, mababasa ang tila sagot ng aktres sa komento ng isang netizen na hindi niya nagustuhan.

Naka-tag din sa komento ang pangalan ng nasabing netizen (@bellabellesss).

Hindi na makita at mukhang binura na ang nasabing komento ng netizen na hindi nagustuhan ni Anne.

Pero sa sagot ng It's Showtime host, matutukoy na may kinalaman ito sa pagpu-post niya ng travel photos nila ni Erwan.

Sabi ni Anne, “Seriously? You keep posting and it's funny and annoying at the same time.

“Firstly, have you not seen my past travels with all of our photos together?

“This is not our first photo together that I've posted. He has been my boyfriend for the past 6 years.”

Sa pangalawang bahagi, nilinaw ni Anne na nananatili silang magkaibigan ni Sam sa kabila ng kanilang nakaraan.

Depensa pa niya, matagal na niyang alam ang tungkol kay Sam at sa napapabalitang girlfriend nito ngayon.

“Sam and I are good friends and I have known about him and Mari way before you probably even did.

“It's a super non-issue.

“In fact I am genuinely happy for Sam.”

Dagdag ng Kapamilya actress-TV host, “So, please stop being kulit and trying to making an issue and just be happy for the both of us, ok?

“At least we are both happy now.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sumagot naman muli ang nasabing netizen at humingi ng paumanhin kay Anne.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN