Nova Villa cheers the success of Alden Richards

Nova Villa shares happy memories of Alden Richards as a solicitous upstart. She recalls, "Lagi niya akong inaalalayan, nakakapit ako sa kanya habang nagkukuwentuhan kami… we became very close."


Masayang-masaya raw si Nova Villa sa tagumpay na tinatamasa ngayon ni Alden Richards.

Gumanap silang mag-lola sa teleserye na My Beloved noong 2012.

Nakakaisang taon pa lang sa showbiz noon si Alden at naging close sila ng veteran actress dahil sila ang madalas na magkasama sa mga eksena.

Kuwento ni Nova, “Bagong-bago pa lang si Alden noon... gumaganap siyang apo ko doon sa teleserye.

“Hindi pa nga masyadong mahaba ang role niya, e, pero kaming dalawa yung naging close, parang nanay niya ako.

“Itinuring niya talaga akong nanay kasi naging open din ako sa kanya.”

Wala pa raw sariling tent noon ang ngayon ay tinaguriang Pambansang Bae. Nakiki-tent lang daw si Alden sa mga make-up artist ng teleserye.

“Mga one to two weeks na kami magkasama, apo ko 'to, e, bakit nandito lang?

“Sabi ko sa kanya, 'Halika, hijo, doon ka sa tent ko.'

“Nakaupo lang 'yan magdamag, very humble... every time na lalabas ako ng tent, sumasalubong 'yan, nanginginig pa.

“Kasi squatter yung lugar, maputik, madulas, maraming daga.

“Lagi niya akong inaalalayan, nakakapit ako sa kanya habang nagkukuwentuhan kami.

“Inalam ko ang buhay niya, we became very close.

“After the take, dahil mahaba ang nilalakad namin, hindi niya ako iniiwan kahit tapos na ang eksena niya at ako hindi pa.”

Nakangiting dagdag pa niya, “Hihintayin niya ako.”

Isa rin daw si Nova na nagsabi kay Alden na laging magdasal para ma-bless siya parati.

“Ang number one kong sinasabi sa kanya, magdasal ka.

“Kasi ang ating grasya, ang mga dumadating sa atin ay nanggagaling sa ating pagiging close sa Diyos.

“Sabi ko sa kanya, ‘You pray your rosary, you thank God.’

“Siya naman, 'Opo, Tita, sinusunod ko po ang lahat ng sinasabi mo.'”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN