Amy Perez's flight to Manila delayed due to Istanbul airport bombing

Amy Perez's flight back to Manila has been delayed after the suicide bombing in Istanbul airport, where the TV host and her group was supposed to ride the plane to fly back to Manila.


Sunud-sunod ang update ni Amy Perez sa kanyang Instagram account tungkol sa sitwasyon nila ngayon sa Turkey.

Ito ay matapos maantala ang pag-uwi nila sa Pilipinas dahil sa suicide bombing incident sa Ataturk Airport sa Istanbul, Turkey, ngayong Miyerkules, June 29.

Galing ang grupo ni Amy sa Madrid, Spain, para sa Maalaala Mo Kaya 25 Kwentuhang Kapamilya event ni Ms. Charo Santos-Concio.

Mula sa airport sa Madrid, lumipad sila patungong Turkey.

Dapat ay bababa sana sila sa Istanbul para mag-layover bago lumipad pabalik sa Pilipinas.

Ang Ataturk Airport ang main international airport sa Istanbul, Turkey.

Subalit sa kalapit na Izmir Adnan Menderes Airport sila lumapag bunsod ng nangyaring suicide bombing sa Istanbul Ataturk Airport, kung saaan tinatayang 36 na ang naiulat na nasawi habang 90 katao naman ang nasaktan.

Kaninang umaga, nakausap ng Umagang Kay Ganda si Amy, via phone patch, dakong alas-siete ng umaga. Dito inilahad ni Amy ang sitwasyon nila.

Nakapanayam si Amy habang lulan sila ng eroplano sa Izmir Airport.

Kasama ni Amy sa flight ang asawang si Carlo Castillo, ang singer na si Jonalyn Viray, at sampu pang Pilipino.

Salaysay ng Kapamilya TV host, “Umalis kami sa Madrid actually delayed ang flight namin.

“Dapat ang alis was 7:05 P.M., pero halos alas-otso na kami nakaalis ng Madrid.

“Tapos 11 A.M. in-announce ng pilot nga na for security reasons dito kami ibababa sa Izmir [Airport], so ngayon wala pang advice.

“Hindi pa namin alam kung may makukuha kaming flight, but yung mga kasama namin sa TFC, nagko-coordinate kung paano kami makakaalis dito.”

Ayon pa kay Amy, hindi binanggit sa kanila ng mga staff ng eroplano ang tungkol sa nangyaring bombing.

“Wala silang binanggit. Nalaman na lang namin nang nagbukasan na ng mga telepono yung ilang mga tagarito.

“Dun nila nakuha yung notification na nakita sa balita na may nangyari nga sa Istanbul.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bago matapos ang phone interview kay Amy, sinabi nitong walang advice sa kanila.

Pero nakikipag-usap na raw siya sa TFC sa Istanbul at inaalam kung ano ang susunod na hakbang, kung magtsi-check in sa hotel o bibiyahe via land papunta sa Istanbul.

Samantala, sa pamamagitan ng kanyang Instagram ay nag-update si Amy.

Pinababa raw sila sa eroplano at pumasok sa Izmir Airport.

Mula roon ay may bus na sumundo sa kanila na naghatid sa kanila patungong hotel dakong 6 A.M. (Turkish time).

Nagpasalamat din ang Kapamilya host sa mga dasal para sa kanilang kaligtasan.

We were advised to go down from the plane and to stay inside the airport. Praying that we can get a flight to Manila asap.

A video posted by Amy Perez-Castillo (@amypcastillo) on

Bus to the hotel.

A photo posted by Amy Perez-Castillo (@amypcastillo) on

Its now almost 6am here in Turkey. Going to our hotel.#salamatsaprayers #istanbulblast

A video posted by Amy Perez-Castillo (@amypcastillo) on


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN