Sen. Bongbong Marcos files electoral protest vs VP-elect Leni Robredo a day before she assumes post

Maghahain ang kampo ng natalong vice-presidential candidate na si Senator Bongbong Marcos Jr. ng electoral protest laban kay Vice President-elect Leni Robredo ngayong araw, June 29. Nais ng kanilang kampo na magkaroon ng recount sa ilang mga bayan sa ARMM, kung saan nagkaroon diumano ng ng malawakang dayaan sa mga boto sa bise-presidente.


Magsasampa ng electoral protest si Sen. Bongbong Marcos laban kay Vice President-elect Leni Robredo sa Presidential Electoral Tribunal ngayong Miyerkules, June 29, o isang araw bago manumpa sa kanyang tungkulin si Robredo bilang bagong bise presidente ng bansa.

Ito ay dahil diumano sa nangyaring dayaan noong nakaraang eleksyon, kung saan 263,473 votes lang ang lamang ni Robredo kay Marcos.

Read: Leni Robredo beats Bongbong Marcos in VP race by slim margin

Bandang alas-11 ng umaga, inaasahang maghahain ng reklamo sa Supreme Court ang abugado ng outgoing senator na si Atty. Jose Amorado.

Sasamahan siya ng panganay na anak ng mambabatas na si Sandro Marcos.

Ngayong araw, June 29, ang deadline sa paghahain ng mga reklamo kaugnay ng election-related protests.

Ayon sa ulat ng GMA News Online, sinabi ni Amorado na hihilingin nila sa hukuman na muling bilangin ang mga boto sa mga lugar na pinaghihinalaan nilang may nangyaring dayaan.

Kabilang sa mga balotang nais nilang muling bilangin ay mula sa mga bayan ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

Nauna nang inireklamo ni Marcos ang diumano’y nangyaring pagbabago ng script sa Comelec transparency servers, sa pagitan ng 7:30 P.M. to 8 P.M., noong unang araw ng bilangan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN