Alyssa Valdez congratulates boyfriend Kiefer Ravena on his graduation

Alyssa Valdez to boyfriend Kiefer Ravena: "You're simply amazing, Kiefer Ravena. Achievement unlocked! Onto the next goal and dream. #DownFromTheHill"


Tuluyang naging bukas si Alyssa Valdez sa pagbahagi ng larawan kasama ang boyfriend na si Kiefer Ravena sa mismong graduation day ng huli noong Linggo, June 26.

Dito ay makikitang masayang magkayakap ang dalawang Ateneo star athletes na opisyal na naging magkarelasyon noong Mayo.

Base sa Instagram post ni Alyssa, tila hindi pa rin siya makapaniwala na mula sa pagiging magkaibigan ay magkasintahan na sila ngayon.

Sabi ni Alyssa, “I never thought I would be in this situation but more than that, not everyone believed that you could march today!

Kasabay nito ay buong pagmamalaking inihayag ni Alyssa na nakapagtapos ng kolehiyo si Kiefer sa kabila ng detractors nito.

Natapos ni Kiefer ang kursong Communications Technology Management kasabay ng pagkilala sa kanya bilang star player ng Ateneo Blue Eagles sa loob ng limang taon.

Sabi pa ni Alyssa, “So proud of this guy! You've been through a lot for the past 5 years and you deserve the best reward!

“And that is to finally march and get an Ateneo diploma. You're simply amazing, Kiefer Ravena.

“Achievement unlocked! Onto the next goal and dream. #DownFromTheHill


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN