PNoy, Duterte to have 15-minute private time on Duterte's oath-taking

One day more before incoming President Rodrigo Duterte takes his oath of office and outgoing President Benigno Aquino III moves to his family home on Times Street. Presidential Communications Chief Martin Andanar also assured that the TV networks will have equal coverage of  Duterte's inauguration this Thursday, June 30.


Ibinahagi ng bagong Presidential Communications chief na si Martin Andanar kung ano ang mangyayari sa oath-taking ni President-elect Rodrigo Duterte sa Rizal Hall ng Malacanang, bukas, June 30.

Ayon kay Andanar, tinatayang 627 hanggang 640 lang ang makakapasok sa venue sa oath-taking ni Duterte.

“Yun lang talaga ang puwedeng makapasok sa loob. Masikip ang lugar na yun,” pahayag ni Andanar sa panayam sa kanya sa Umagang Kay Ganda nitong Miyerkules, June 29.

Sinabi rin ng cabinet secretary kung saan ipupuwesto ang media.

“Napagdesisyunan ng organizing committee, lahat ng media, dun na lamang sa NEB [New Executive Building] at dun na lamang sa within Gate 4.

“Yung major networks, dun na lang mag-stand upper, yung mag-cover sa loob.

“There are about 14 cameras na gamit ng RTVM [Radio-Television Malacanang] para lahat ng anggulo kuha.”

Tiniyak din ng Communications chief na sabay-sabay ang magiging coverage ng TV networks.

“Walang scoop-an dito. Sabay-sabay tayo. May clean feed dun sa PTV4.”

Ipinaliwanag din ng UKG host na si Jorge Carino na magkakaroon ng “pool” ang cameras ng TV network na magko-cover ng event.

“Kumbaga, naka-pool. Ginagawa ng Malacanang, maglalabas ng kable at puwede nang makakuha ang iba't ibang networks ng inilalabas ng RTVM.”

Kinumpirma rin ng kalihim na magkakaroon ng live feed sa Facebook ang nasabing oath-taking.

DUTERTE, PNOY FACE-TO-FACE. Kinumpirma rin ni Andanar na maghaharap sina Duterte at outgoing President Benigno "Noynoy" Aquino III.

“Kasi meron kasing salubong at darating si Presidente Duterte, tapos pipirma siya sa guestbook. Tapos magkakaroon ng departure honors para kay President Aquino.”

Pagkatapos daw ng pagkikita ay didiretso si PNoy sa kanyang bahay sa Times Street, Quezon City.

Sinabi rin ni Andanar na magkakaroon ng pribadong pag-uusap o interaksyon sina PNoy at Duterte sa loob ng 15 minuto.

ON MEETING UP WITH LENI. Tinanong din ang Presidential communications chief kung may plano ba ang administrasyong Duterte na pulungin si Vice President-elect Leni Robredo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tugon ni Andanar, “Sigurado ako na darating yung pagkakataon na yun na magkikita at magkikita talaga si Presidente at si Vice President dahil marami namang mga functions o okasyon na imbitado yung dalawa, at magkikita at magkikita yung dalawa.

“Maliit lang naman ang Pilipinas, so I am certain na [magkikita sila].... anim na taon ito, e, mag-uusap at mag-uusap talaga ang dalawa.”

Sa tanong kung may schedule na ba ang Presidente na pulungin si Leni, sagot ni Andanar, “Wala pa akong nakikitang schedule ngayon. Wala pa.

“Siguro kung magkikita man dun, surprise na lang yun, yun ang magiging scoop.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN