Mayor Joseph Estrada throws support for President Duterte's anti-crime, drug, peace and order campaign

All-out ang suporta ni Manila Mayor Joseph Estrada sa kampanya laban sa droga at kriminalidad ng bagong pangulo na si Rodrigo Duterte. Ito lang daw kasi ang paraan upang umunlad ang ating bansa.


Suportado ng dating presidente at kasalukuyang mayor ng Maynila na si Joseph ‘Erap’ Estrada ang peace and order campaign ni incoming President Rodrigo Duterte.

Ito ang pahayag ni Erap matapos ang kanyang oath-taking bilang re-elected mayor ng Maynila ngayong Miyerkules, June 29.

Ayon sa ulat ng GMA News Online, sinabi ni Erap na ang kampanya ni Duterte laban sa droga at kriminalidad ang tanging daan upang umunlad ang ating bansa.

Saad ng 79-year-old Manila mayor, “I'm all out support for the incoming president, President Duterte, because his number one [priority] is peace and order.

“That's the only way we can move forward.

“Kita mo nga, di pa nakakaupo, takot na lahat sila? That's what I mean.

“The president means business.”

Suportado rin ni Erap ang panawagan ni Duterte na ibalik ang death penalty dahil na rin sa walang habas na kriminalidad sa bansa.

Matatandaang ang huling nabitay, sa pamamagitan ng lethal injection, ay si Leo Echegaray sa panahon ng kanyang adminsitrasyon bilang presidente ng bansa.

Ayon kay Erap, “Pinipigil ako ni Cardinal Sin [noon]. Pinatuloy ko. Echegaray... dalawa yun, e.

“Ang akin lang, death penalty should be revived.

“Wala namang by hanging. Sa heinous crimes.”

Labis ding sinusuportahan ng dating pangulo ang pagpapaigting ng kampanya laban sa ipinagbabawal na gamot.

Ginawa pang halimbawa ni Erap ang pagkapatay sa isang barangay official sa Caloocan City dahil may kinalaman daw ito sa paglipana ng droga sa kanilang lugar.

“May kalalagyan sila... Kung patay, sa sementeryo.

“Dalawa lang pupuntahan nila.

“Nag-drugs sila, may kaso sila. May mga connivance 'yan.

“It's hard to resist 'tong mga drugs, it's big money.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN