Julio Diaz makes first public appearance after successful surgery

Julio Diaz considers himself lucky after undergoing surgery for his aneurysm. He says, "Sabi nga nila, one in a million yung aking case na biglang naputukan ka ng ugat sa loob ng bungo mo, and there you go, after only two weeks, balik na sa normal na kalagayan ko."


Mahigit dalawang buwan pagkatapos sumailalim sa isang operasyon ay muling nasilayan ng publiko ang aktor na si Julio Diaz.

Dumalo si Julio sa special screening ng kinabibilangan niyang pelikula, ang Ma 'Rosa, sa SM Megamall, nitong Martes, June 29.

Ang Ma 'Rosa, na idinirek ni Brillante Mendoza, ay naging competition entry sa 69th Cannes Film Festival, kung saan nanalo si Jaclyn Jose ng Best Actress award.

Matatandaang naospital si Julio noong April 8 dahil sa unruptured aneurysm.

Agad siyang sumailalim sa isang brain surgery, na kung tawagin ay endovascular treatment, sa St. Lukes Medical Center, sa Bonifacio Global City, noong April 10, upang maiwasang lumala ang kundisyon nito.

Isang GoFundMe page ang ginawa ng kapatid ng aktor na si Ana Marie Regaliza-Datuin upang makalikom ng sapat na salapi para sa operasyon ni Julio.

Read: Julio Diaz still in critical condition after surgery

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng press kay Julio, sinabi nitong masuwerte pa rin siya dahil mabilis ang kanyang recovery mula sa naging kundisyon.

“Sabi nga nila, one in a million yung aking case na biglang naputukan ka ng ugat sa loob ng bungo mo, and there you go, after only two weeks, balik na sa normal na kalagayan ko.”

Nakakalakad na rin daw siya nang maayos ngunit kailangan pa niyang sumailalim sa physical rehab.

“Yun nga lang, kailangan ng kaunting rehab of this aneurysm case ko.

“I think, 99 percent pa lang. I need one more percent para makumpleto [ang paggaling ko].”

Sa ngayon, plano ni Julio na huminto muna sa pag-arte upang mapagtuunan ng pansin ang kanyang paggaling.

Aniya, “Tuluy-tuloy na muna ang [pagtutok sa] health ko.

“Ang [paggawa ng] pelikula naman, nandiyan lang iyan.

“Nasa dugo ko na yung ating trabahong ito.”

GOLDEN AGE. Samantala, naniniwala ni Julio na malaki ang tiyansa ng Ma' Rosa na makakuha ng nominasyon sa Best Foreign Language Film category ng Oscar Awards.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa July 6 ay ipapalabas na sa mga sinehan ang Ma 'Rosa, kaya naman mapapabilang ito sa maaaring ikunsidera ng Film Academy of the Philippines (FAP) bilang official entry ng bansa sa Oscars.

Itinuturing ni Julio ang pelikulang ito na isa sa pinakamaganda niyang nagawa.

Aniya, “Tingin ko one of the best films na... ako, talagang sa mga ginawa kong pelikula, masasabi kong the best.”

Umaasa rin si Julio na muling maibalik ang sigla ng pelikulang Pilipino, gaya ng 'Golden Age of Philippine Cinema' noong '70s, sa tulong ng Ma' Rosa.

Saad nito, “Ito yung sa tingin kong makakapagpabago ng panlasa ng Pilipinong manonood from then on siguro... tingin ko lang, ha.

“Kasi medyo Hollywood-ish yung mga pelikulang ginagawa natin, di ba?

“Parang ibabalik natin yung sinasabing panahon ni Lino Brocka, the Golden Age of Philippine Cinema.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN