Kris Aquino wishes President Rodrigo Duterte and Vice President Leni Robredo success

Masayang ibinahagi ni Kris Aquino na ang anim na taon niyang pagiging bahagi ng First Family ay isang magandang alaala na dapat pahalagahan. Ilang oras na lamang ay magiging Citizen Noy na ang kapatid ni Kris na si outgoing President Noynoy Aquino.


Bago mag-tanghali ngayongg Huwebes, June 30, tatawagin nang "Citizen Noy" si outgoing President Noynoy Aquino.

Bandang 11:15 ng umaga, aalis na ng Malacanang si PNoy matapos ang ilang minuto nilang pagpupulong ni incoming President Rodrigo Duterte.

Ngayong umaga naman, isang madamdaming post sa Instagram ang ibinahagi ng bunsong kapatid ni PNoy na si Kris Aquino.

Ayon sa Queen of All Media, nagpapasalamat siya sa mga magagandang alaala na naging bahagi siya ng First Family sa pangalawang pagkakataon.

Umaasa rin siyang maging matagumpay ang pamumuno nina Duterte at Vice President-elect Leni Robredo dahil ang kanilang tagumpay ay tagumpay rin ng bansa.

Mensahe ni Kris, “When I was praying last night, I thanked God for the memories we will treasure.

“What stood out in my heart was the opportunity to have been in the presence of @franciscus, attending His Mass w/ all other Filipinos who share our faith, and all the times Tito Noy made an extra effort to include Kuya Josh & Bimb...

“May God continue to bless President Duterte & Vice President Robredo, the success of our leaders is also the success of our country. MABUHAY ANG DEMOKRASYA! “

Kasalukuyang nasa Quezon City Reception House si Kris para sa panunumpa ni Robredo, kung saan kinatawan niya ang kapatid na si PNoy na hindi nakadalo sa oath-taking.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN