Kris Aquino explains absence in PNoy's departure from Malacañang

Kris Aquino on not being invited at incoming President Rodrigo Duterte's inauguration: "I think, yun lang naman, di ba? Kasi hindi naman kami [PNoy's siblings] asawa. Kapatid lang kami."


Nilinaw ni Kris Aquino kung bakit wala siya sa tabi ng kapatid na si outgoing President Benigno "Noynoy" Aquino III sa araw ng pagbaba nito sa puwesto.

Ngayong Huwebes, June 30, nakatakdang isagawa ang departure honors para kay PNoy at oath-taking ceremony ni President-elect Rodrigo Duterte sa Malacanang.

Pahayag ni Kris nang tanungin kung imbitado ba siya ni Duterte sa naturang okasyon, "Hindi, si Noy lang.

“I think, yun lang naman, di ba?

“Kasi hindi naman kami [PNoy's siblings] asawa. Kapatid lang kami.”

Nakapanayam ng media reporters si Kris pagkatapos ng inauguration ceremony ni Vice President Leni Robredo.

Ginanap ito sa QC Reception House, New Manila, Quezon City, Huwebes ng umaga, June 30.

Ayon pa kay Kris, bahagi ng protocol ang pagkikita nina PNoy at Duterte.

“No, I think, di ba, if I'm not mistaken, hinahatid mo [yung outgoing president].

“Kasi, I think nung 2010, yun din naman ang nangyari, e.

“So, I think that's protocol.”

COMING HOME. Samantala, kasado na raw ang pagbabalik ni PNoy sa tahanan nito sa Times Street, Quezon City, ngayong araw.

Sabi ni Kris ukol dito, “Merong mga nag-organize. Hindi ko alam talaga.

“Kasi di ko naman bahay. Bisita lang ako. Pero nandun kaming lahat.”

Pero kahit hindi siya ang punong-abala, nakangiting ibinahagi ni Kris na siya ang nag-contribute ng mga inihandang food stalls para sa salu-salo sa tahanan ni PNoy.

“May hinanda kami, may lunch.

“Ang hirap lang mag-plug, pero dun sa mga franchise na pag-aari ko, may naka set-up mamaya dun sa mga bibisita at dadalaw.

“Naghanda na ako. Kasi gusto niya [PNoy], maraming pica pica.

“So, handa yung isa sa mga brand na pag-aari ko, na magmula 12 noon hanggang kinagabihan merong pica pica.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN