Rodrigo 'Digong' Duterte takes oath as 16th president of the Republic of the Philippines

Pormal nang nanumpa si President Rodrigo Duterte bilang ika-16 na pangulo ng Pilipinas. Sa kanyang talumpati, ipinagdiinan niya ang kanyang laban sa krimen at droga.


Pormal nang nanumpa si Rodrigo Roa Duterte bilang ika-16 na pangulo ng Pilipinas.

Bandang alas-dose ngayong tanghali ng Huwebes, June 30, sumumpa si Duterte sa harap ni Supreme Court Associate Justice Bienvenido L. Reyes.

Nagsimula ang programa sa Malacanang bandang 11:30 ng umaga.

Bago ang panunumpa, inawit muna ang Pambasang Awit ng Pilipinas na "Lupang Hinirang" ng ilang kilalang singers, at nagkaroon din ng ecumenical prayer para sa bagong pangulo.

Matapos nito, nag-alay naman ng awiting "Ipaglalaban Ko" ang beteranong mang-aawit na si Freddie Aguilar, na paboritong singer ni President Duterte.

Sinaliwan ito ni Freddie ng kakaibang lyrics na inakma sa plataporma ni Digong.

Binasa naman ni Senate President Franklin Drilon ang proklamasyon ng Kongreso sa pagkapanalo ni Duterte bilang pangulo at ni Leni Robredo bilang bise presidente.

Nauna nang nanumpa si Robredo bilang ika-14 na bise presidente ng Pilipinas sa Quezon City Reception House kaninang umaga.

Read: Leni Robredo takes oath as 14th vice president of the Philippines

16TH PHILIPPINE PRESIDENT. Dahil masyado pang maaga sa oras na 11:44 ng umaga, hinintay muna na mag-alas-dose ng tanghali bago ang oath-taking ni Duterte dahil ito ang nakasaad sa Philippine Constitution.

Isa-isang tinawag sa entablado sa Kalayaan Hall ang mga anak ni President Duterte na sina Davao City Vice Mayor Paolo Duterte, Davao City Mayor Sara Duterte, Sebastian Duterte, at Veronica Duterte.

Kasunod na tinawag ay si Supreme Court Associate Justice Reyes para sa oath-taking.

Si Veronica, anak ng dating mayor ng Davao City sa kanyang live-in partner na si Honeylet Avancena, ang humawak ng Bibliya habang nanumpa si Duterte sa kanyang tungkulin bilang presidente ng Pilipinas.

Sa wikang English nanumpa si President Duterte sa kanyang tungkulin na sinundan ng malakas na palakpakan.

Sinundan ito ng pagpirma ni Duterte ng kanyang oath of office bilang ika-16 na presidente ng Republika ng Pilipinas

MESSAGE TO THE NATION. Sa kanyang talumpati, nagbigay-pugay si President Duterte sa mga dating pangulo ng bansa na sina Fidel Ramos at Joseph Estrada; kay Senate President Franklin Drilon at mga miyembro ng Senado; kay House Speaker Sonny Belmonte at mga miyembro ng Kongreso; kay Chief Justice Lourdes Sereno at sa associate justices; sa mga miyembro ng kanyang gabinete; sa diplomatic corps; sa kanyang mga kapwa-empleyado sa pamahalaan; at sa kanyang mga kababayan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagpasalamat si Duterte kay Ramos sa tulong nito upang mahalal na bagong pangulo ng republika.

Sa kanyang talumpati, ipinagdiinan ng bagong pangulo ang kanyang laban sa corruption, kriminalidad, at sa ipinagbabawal na gamot.

Saad niya, “We have to listen to the murmurings of the people, feel their pulse, supply their needs, and fortify their faith and trust in us.

“I sense a problem deeper and more serious than any of those mentioned or all of them put together.

“Erosion of faith and trust in government—that is the real problem that confronts us.”

Sa kanyang laban para sa peace and order, alam daw ni President Duterte na marami ang kontra rito.

“I know that there are those that do not approve my methods in fighting criminality.

“The fight will be relentless and it will be sustained.”

Paalala pa niya sa mga kumukontra sa kanya: “You mind your work and I will mind mine."

Dagdag ni President Duterte, “Change, if it is to be permanent and significant, must start from us.”

THE ROAD TO MALACANANG OATH-TAKING. Dumating sa Maynila si President Duterte bandang alas-11 ng gabi ng Miyerkules, June 29, sakay ng isang private plane mula sa Davao.

Tumuloy ang pangulo sa isang hotel sa Pasig City, kung saan doon na rin siya nag-practice ng kanyang inaugural address at nagpahinga.

Bandang alas-diyes ng umaga, tumulak na si Duterte patungong Malacanang Palace, sa Maynila.

Sinalubong siya ni outgoing President Noynoy Aquino sa President's Hall, kung saan sila nagkamay at nagkaroon ng isang closed-door meeting.

Tumagal ang kanilang pagpupulong ng halos 30 minuto.

Matapos nito, sabay na lumabas ang dalawa sa Malacanang grounds para naman sa final military honors kay PNoy.

Ito na ang hudyat ng pag-alis ni PNoy sa Palasyo at bumalik na ito sa kanyang bahay sa Times Street, sa Quezon City.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN