Rodrigo Duterte and Noynoy Aquino meet before the inauguration

Incoming President Rodrigo Duterte is the last guest of outgoing President Benigno Aquino III in Malacañang.


Tulad ng inaasahan, nagkita muna sina outgoing President Benigno Aquino III at incoming President Rodrigo Duterte sa Malacanang bago ang inauguration ng huli kanina, June 30.

Si Duterte ang huling panauhin ni PNoy sa President's Hall ng Malacanang sa kanyang panunungkulan bilang presidente ng Pilipinas.

Matapos nito ay binigyan ng Final Departure Honors si PNoy bago siya umalis ng Malacanang at umuwi sa kanyang bahay sa Times Street, sa Quezon City.

Hinatid siya ni Duterte mula sa loob ng Malacanang hanggang sa makasakay siya sa kanyang kotse pauwi.

Kasunod nito ay nanumpa na si Duterte bilang bagong pangulo ng Pilipinas.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN