Jake Vargas signs up with GMA Artist Center after Kuya Germs's death

Jake Vargas on his late manager German 'Kuya Germs' Moreno: "Alam ko naman na natutuwa iyon sa akin, kasi hindi ko naman pinapabayaan ang trabaho ko. Gusto naman niya yung ganun and siyempre para din naman kay Tatay ito, para kay Tatay itong ginagawa ko."


Bago pa man pumanaw ang manager niyang si German ‘Kuya Germs’ Moreno, alam na ni Jake Vargas na eventually ay mapupunta siya sa pangangalaga ng GMA Artist Center (GMAAC).

At hindi nga siya nagkamali dahil kabilang na ngayon si Jake sa contract stars ng talent arm ng Kapuso network.

“Actually, nung bago pa mawala si Tatay [Kuya Germs], sinasabi na niya sa akin talaga na mag-Artist Center na ako.

“Ako naman yung ayaw ko talaga,” kuwento ng Kapuso actor sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Bakit ayaw niya?

“Ewan ko. Pero parang naisip-isip ko, okay naman pala kaya pumirma na ako sa Artist Center.”

Hindi naman daw siya nasaktan noong mga panahong parang “binibitiwan” na siya ni Kuya Germs at “ibinibigay” na sa GMAAC.

Saad ni Jake, “Hindi naman! Kasi, kumbaga, para mabantayan daw akong mabuti ng GMA.

“Tsaka yung shows na ibibigay sa akin ng Artist Center, ng GMA, para daw hindi ako mapabayaan.

“Na kahit na matanda na si Tatay, nasusubaybayan pa rin ako ng GMA.

“Parang ako, sabi ko, ‘Huwag muna.’

“Medyo malakas-lakas pa po si Tatay nun, e.”

Pero naospital na raw si Kuya Germs noong mga panahong kinausap siya tungkol sa Artist Center.

At nitong March 2016, dalawang buwan mula nang pumanaw si Kuya Germs, ay pumirma na finally si Jake sa GMAAC, na solo na ngayong namamahala sa kanyang showbiz career.

Kahapon, June 29, ay isang presscon ang idinaos sa 17th floor ng GMA Network Center upang i-announce ang pagpirma ni Jake sa Kapuso network.

FOR TATAY GERMS. Habang pumipirma raw siya ay nararamdaman at sigurado si Jake na nakamasid ang kanyang Tatay Germs.

“Actually, na-sense ko naman si Tatay, tsaka alam ko naman na natutuwa iyon sa akin, kasi hindi ko naman pinapabayaan ang trabaho ko.

“Gusto naman niya yung ganun and siyempre para din naman kay Tatay ito, para kay Tatay itong ginagawa ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And siyempre sa family ko and sa magiging future ko,” medyo naiiyak na sabi ni Jake.

Bilang paghahanda nga sa kanyang future ay nag-iipon na si Jake. Plano raw niyang magtayo ng isang negosyo o magpundar ng isang farm.

Dati raw ay nagplano siya na magtayo ng isang Internet shop sa lugar nila sa Olongapo City pero hindi ito natuloy.

Sabi ni Jake, “Kasi masyadong ano sa amin, parang hindi gaanong pinupuntahan ng mga tao. Hindi makikita ng mga tao, e.

“Para kasing masyadong mapuno, tsaka kasi sa amin, pababa yung lugar kaya hindi nakikita ng tao.”

Limang taon ang kontratang pinirmahan ni Jake sa GMA Artist Center.

Noong si Kuya Germs ang manager niya ay sa kanya lamang halos nakatutok ang atensiyon ng namayapang Master Showman; ngayong nasa GMAAC na siya ay marami silang artists doon.

Wala ba siyang fear na baka hindi siya masyadong mabigyan ng atensiyon sa GMAAC dahil marami sila?

Tugon ni Jake, “A, wala, wala!

“Wala naman kasi halos pantay-pantay din naman kami.

“Kung meron kang ganito, tanggapin mo lang siya. Parang ganun.

“Tsaka hindi ko naman po iniisip na kahit sobrang dami namin, at least hindi kami pinapabayaan ng network, ng GMA.

“Na kahit papaano, binibigyan pa rin kami ng show.”

CARROT MAN. Regular na napapanood si Jake sa Pepito Manaloto; at sa Sabado ay sila ni Ken Chan ang magkatunggali sa Lip Sync Battle Philippines.

May pinaplano na rin daw ang GMA na isang soap opera para sa kanya.

Katatapos lamang mag-guest ni Jake sa Magpakailanman, na ipinalabas last week, kung saan gumanap siya bilang si Jeyrick Sigmaton na kilala bilang si Carrot Man.

Nakilala raw niya ito ng personal.

Kuwento ni Jake, “Nandun siya sa taping.

“Hindi siya gaanong nagsasalita, e. Tahimik lang din siya.

“Tapos sipat-sipat lang siya, tapos tinitingnan niya ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tinitingnan ko siya, nagtitinginan lang po kaming dalawa! Parang nahihiya siguro siya.

“Ano lang siya, papiktyur-piktyur lang. Nagpapiktyur siya sa akin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN