Former President Noynoy Aquino to face homicide raps from SAF 44 relatives

Sasampahan ng reklamong homicide ng mga kaanak ng mga biktima ng Mamasapano massacre si dating Pangulong Noynoy Aquino. Kasabay ng pagtatapos ng kanyang termino bilang pangulo, nawalan na rin si Noynoy ng immunity sa mga kasong isasampa rito.

 


Isang araw matapos siyang bumaba sa puwesto bilang pangulo ng Pilipinas, sasalubong naman kay former President Noynoy Aquino ang homicide cases na isasampa laban sa kanya ng mga kaanak ng tinaguriang SAF44.

Ang SAF44 ay ang mga sundalong napatay sa engkuwentro noong January 15, 2015 sa Mamasapano, Maguindanao, o kilala rin bilang Mamasapano massacre.

Sa ipinadalang email sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilan pang media ni Atty. Ferdinand Topacio, sinabi ritong maghahain sila ng reklamong homicide laban sa dating Pangulo sa Office of the Ombudsman bukas, July 1.

Bukod kay Aquino, kasama rin sa sasampahan ng reklamo si dating Philippine National Police chief Allan Purisima at dating Special Action Force (SAF) Director General Getulio Napenas.

Maaari namg sampahan ng anumang reklamo si Noynoy matapos ang kanyang anim na taong immunity from suit, bilang pangulo, sa pagtatapos ng kanyang termino ngayong araw, June 30.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN