Where is President Rody Duterte's second family during his inauguration?

Davao City Vice Mayor Paolo Duterte reacts to those asking why Honeylet Avanceña and daughter Kitty Duterte were not in the "official photo" that he uploaded on Facebook.


Naging sentro ng espekulasyon ang ipinost ni Davao City Vice Mayor Paolo Duterte na "official photo" ng bagong First Family sa kanyang Facebook account kanina, June 30.

Makikita sa larawan si President Rodrigo Duterte kasama ang una niyang asawa na si Elizabeth Abellana Zimmerman.

Nasa larawan din ang kanilang mga anak na sina Paolo, Davao City Mayor Sara Duterte, at Sebastian “Baste” Duterte, kasama ang kani-kanilang mga asawa at mga anak.

Hindi naman naiwasan ng ilang netizens na magtanong kung bakit wala ang common-law wife ni Duterte na si Cielito "Honeylet" Avancena at ang kanilang anak na si Veronica “Kitty” Duterte.

Sa comment section, isang maiksing post ang inilagay ng panganay na anak ni Duterte para sagutin ang mga nagtanong tungkol dito.

Pahayag ni Paolo: “To everybody questioning the whereabouts of Ms. Avancea and Kitty Duterte they have their own family picture.”

Ang larawan na tinutukoy ni Paolo ay kuha bago ang inauguration ni President Duterte.

Published on Inquirer.net/Malacanang Pool Photo

Nakiusap din si Paolo sa publiko na igalang ang kanilang ina sa kanyang sumunod na pahayag: “NAA AMONG INAHAN KAY AMOA SIYANG INAHAN UG WA NAMOY LABOT ANA.”

Suportado naman ito ng halos karamihan ng nag-reply sa kanyang comment, na umaabot na sa mahigit 400.

Sa ngayon, ang naturang Facebook post ay may mahigit 84,000 reactions at mahigit 16,000 shares.

Sa mga hindi nakakaalam, natapos ay 27-year marriage nina Duterte at Zimmerman nang ma-annul ang kanilang kasal noong 2000.

Gayunman, nananatiling maayos ang relasyon ng dating mag-asawa.

Samantala, bagamat hindi kasama sa naturang larawan, nakasama naman ni Duterte ang anak niya kay Honeylet sa kanyang panunumpa bilang pangulo ng Pilipinas.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN