Cristina Gonzales-Romualdez says daughter Sofia became stronger after Leni Robredo issue

Cristina Gonzales-Romualdez on daughter Sofia's talent in singing and composing: "Hindi ko akalain na magiging ganyan ang boses niya. My gosh, talo ako sa kanya, promise! Her passion is really music."


Proud mother si Tacloban City Mayor Cristina Gonzales-Romualdez dahil marami ang pumupuri sa singing talent ng kanyang 16-year-old daughter na si Sofia, na nagkaroon ng public performance sa kauna-unahang pagkakataon sa Sangyaw Festival.

Inamin ni Cristina na talung-talo siya ni Sofia sa pagkanta, pero suportado niya ang hilig ng anak sa pagkanta.

“Hindi ko akalain na magiging ganyan ang boses niya.

“My gosh, talo ako sa kanya, promise!

“Her passion is really music,” pahayag ni Cristina nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) pagkatapos ng panunumpa niya bilang alkalde ng Tacloban City.

Sabi pa niya tungkol kay Sofia, “Music talaga, that’s all ouido, yung pag-guitar niya... she plays the piano.

“She also composes songs. She’s like that.

“She will wake up, biglang may song, ganoon siya. Talang musically inclined siya.

“Siguro sa dad ko rin [Jose Mari Gonzales], he had a band.

“She also likes recording.”

Pero dagdag ni Cristina, “I’m not gonna push her.

“I don’t wanna pressure her kasi she has her own style.

“Ayokong pakialaman yung style niya.

“She was a baby pa lang, kumakanta na.

“Right now, she has her own original compositions.

“She records, meron siyang mga computer.

“She really wants to be in music. She’s really passionate about music.”

CONTROVERSY. Naging kontrobersyal si Sofia dahil sa social media post niya nang manguna sa vice presidential race noong May 2016 si then-vice presidential candidate Leni Robredo.

Si Leni ang pinakamahigpit na kalaban ni Senator Bongbong Marcos, tiyuhin ni Sofia sa father side.

Read: Cristina Gonzales-Romualdez apologizes for daughter's tweet vs Leni Robredo

Naungkat ang isyu dahil kahit nag-perform si Sofia sa Sangyaw Festival, hindi pa rin siya sanay na humarap sa maraming tao.

Sabi ni Cristina tungkol sa anak, “Mahiyain pa rin siya, mabuti nga kumanta siya para masanay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“She has a lot of fans in Tacloban, actually.

“Yung nangyari nga yung isyu, yung sa kay Leni, yung nagde-defend sa kanya, yung mga taga-Tacloban.

“May pool of fans siya here and in Manila. Meron din siya [fans] sa YouTube.

“Parang she became stronger with that, lalo siyang nagkaroon ng confidence.

“So, sabi ko nga sa kanya, you can’t please everyone, but of course, mali yung sinabi niya.

“Sabi ko, ‘Next time, think of what you ano... kasi she didn’t mean it.

“Siguro nadala lang, but she’s a good girl.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN