Jessy Mendiola on real score with Luis Manzano: "What you see is what you get."

Jessy Mendiola on being romantically linked to Luis Manzano: "I really appreciate the fact na he has always been there for me as a friend, as himself. He's a very good guy. Wala naman ako masasabi kasi alam naman natin na whatever I say or do will be taken against me.


Hindi diretsahang sumagot si Jessy Mendiola, 23, nang tanungin kung nanliligaw ba sa kanya si Luis Manzano, 35.

Pahayag ni Jessy hinggil sa isyu, “Ewan ko sa kanya. I don’t want to label it as anything.”

Kaugnay ito ng espekulasyon tungkol sa mga pagkakataong namataang magkasama ang dalawa sa mall, coffee shop, at sinehan nitong nagdaang buwan.

Bagamat aminado siyang mas nagiging malapit sila sa isa’t isa, ayaw ituring ni Jessy na official “date” ang paglabas-labas nila ni Luis.

Paliwanag ng aktres sa ulat ng ABS-CBN News Online kagabi, June 30, “Kasi sometimes we go out as a group.

“Nagkakataon lang na kami ang napi-picture-an kasi kami yung public figures. Alangan naman magpa-picture sila sa ibang friends namin?

“We go out sometimes.

“Yeah, you could say we go out and we are friends and we are getting close to each other.”

Walang nakikitang masama si Jessy sa paglabas-labas nila ni Luis dahil pareho naman daw silang “single.”

Sabi pa niya, “I really appreciate the fact na he has always been there for me as a friend, as himself. He’s a very good guy.

“Wala naman ako masasabi kasi alam naman natin na whatever I say or do will be taken against me. Maraming masasabi ang mga tao.

“It is what it is. What you see is what you get.”

Kung sakaling ligawan siya ng TV host-actor, inamin ni Jessy na may pag-asang mapasagot siya ng 'oo' nito.

“Ay, oo naman!

“Hindi… I am not denying anything.

“Ayoko naman maging sobrang pretentious na wala [siyang pag-asa]. Meron.

“Kasi, di ba, as I’ve said, Luis is a good guy and any girl would be lucky to have him.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN