Kris Aquino on President Rodrigo Duterte: Let's give him a chance.

Suportado ni Kris Aquino ang administrasyon ng bagong pangulo na si Rodrigo Duterte. Sabi ng Queen of All Media, "Kung hindi natin susuportahan, ang bansa rin lang naman natin ang magsa-suffer at tayo yun."


Sa guesting ni Kris Aquino sa morning show ni Marian Rivera sa GMA-7 na ‘Yan Ang Morning, na umere ngayong araw, July 1, natanong ang Queen of All Media kung ano ang opinyon niya sa bagong pangulo ng bansa na si Rodrigo Duterte.

Tugon ni Kris, “Bigyan natin ng [chance], di ba? I think we live in a democracy and siya ang pinili ng tao.

“So, in the same way na not everybody voted for Noy [ex-President Noynoy Aquino] ng 2010, but a lot of people gave him a chance.

“So, tayo, bilang taxpayers at citizens, di ba, dapat suportahan natin.

“Kasi kung hindi natin susuportahan, ang bansa rin lang naman natin ang magsa-suffer at tayo yun.”

Ano ba ang qualities na nagustuhan niya kay Duterte noong naging panauhin niya ito sa dati niyang show sa ABS-CBN na Kris TV?

Saad ni Kris, “Ay, siya ay very upfront, diretso talaga.

“And nakita ko, nung inikot niya ako sa Davao, how clean and how disciplined the people there.

“Dun ako nabilib.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN