Jonas Gaffud says back-to-back Miss Universe win is a matter of "destiny"

Will Pia Wurtzbach bequeath her Miss Universe title and crown to Maxine Medina? Beauty-queen maker Jonas Gaffud said, "Ang chances ni Maxine ay kung destiny niya talaga, kasi nasa kanya lahat, e."


Nababalitang dito sa Pilipinas gagawin ang Miss Universe this year, lalo pa't ang reigning queen ay isang Pilipina, si Pia Wurtzback.

Pero ayon sa beauty-queen maker na si Jonas Gaffud, pinag-aaralan pa raw ang bagay na ito.

Aniya, “Well, pangarap namin na dapat sana kung puwede, dito ang Miss Universe dahil nga ipapasa ni Pia ang korona niya.

“Kasi dati, di ba, nakagawian na ganun, nung 1980s, nung 1990s.

“Pero siyempre, ano 'yan, malaking pag-aaral kung paano gagawin.

“Marami namang bansa ang may gusto, hindi lang tayo.”

Malaki ba ang tsansa ng Pilipinas, lalo’t ang reigning Miss Universe nga ay si Pia?

“Hindi, hindi…dapat magkaisa yung mga agencies na dalhin iyon dito.

“Nagbi-bid kasi yung country na nanalo, bidding 'yan, e, highest bidder pa rin 'yan, business pa rin 'yan.”

Malaking budget tiyak ang kakailanganin kung isasagawa ang Miss Universe dito sa bansa?

“Actually, kung budget ang pinag-uusapan, kung meron lang ako nun,” at tumawa si Jonas.

“Kaya ko namang kumuha ng sponsors, feeling ko kapag na-approve na dito na, dun na papasok lahat ng sponsors.

“Wala pa kaya hindi mo alam, pero baka mamaya umapaw bigla ang sponsors, di ba?

"Everybody wants to be involved kapag dito [idinaos ang Miss Universe].”

BACK-TO-BACK WIN? Ano kaya ang tsansa na magkaroon ng back-to-back win ang Pilipinas sa Miss Universe this year?

Ayon kay Jonas, “Well, mahirap talaga ang back-to-back win.

“Sa history ng Miss Universe, Venezuela pa lang.”

Nangyari ito noong 2008 at 2009.

Pero nakikita ba ni Jonas na kay Maxine Medina ipuputong ni Pia ang Miss Universe crown ngayong taong ito?

“Ang chances ni Maxine ay kung destiny niya talaga, kasi nasa kanya lahat, e.

“Beauty, talino, yung kanyang confidence, yung kanyang dedication.

“Nasa kanya naman na lahat na puwedeng maging Miss Universe.

“Destiny na lang niya kasi may judges nga.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN