One year later, Alden Richards and Maine Mendoza thank fans and tell detractors: "God bless po."

Walang pagsidlan ng tuwa at pasasalamat ang nararamdaman nina Alden Richards at Maine Mendoza dahil sa loob ng halos isang taon ay hindi bumitaw sa kanila ang kanilang mga tagahanga.


Sa darating na July 16, 2016, ang unang anibersaryo ng tambalan nina Alden Richards at Maine Mendoza na kilala sa tawag na AlDub.

Ang love team ng dalawa na nabuo sa Kalyeserye segment ng "Juan For All, All For Juan" ng Eat Bulaga! ay maituturing na phenomenal dahil sa tinamo nilang kasikatan at dami ng kanilang brand endorsements.

Sa exclusive sit-down interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kina Alden at Maine—bago nagsimula ang grand presscon ng kanilang pelikulang Imagine You & Me kahapon, July 1, sa Novotel Hotel, Cubao, Quezon City—una naming inusisa ang naging realizations nila sa halos isang taon na nilang samahan.

Masayang sagot ni Maine, na kilala ring Yaya Dub, “Ay, talaga namang maraming taong sumusuporta sa amin na kahit ups and downs ang mga nagyari sa aming dalawa ni Alden ay hindi pa rin sila bumibitaw.

“And sobrang thankful kami, nandiyan sila from the beginning until now, and sana huwag mawala yung suporta nila sa amin.”

Dugtong naman ni Alden, “Yes, kasi ang tangi lang naman pong ginagawa namin ni Maine ay magpasaya ng mga tao.

“And talagang yun lang naman po ang gusto naming malaman nila na kami ay ginagawa namin lahat para sa ikaligaya ng mga tao.

“So we’re just very happy na andiyan pa rin sila at matibay na sumusuporta.”

Mula nang umalagwa ang kanilang tambalan sa telebisyon, halos buong Pilipinas ay kinilig sa naging takbo ng kanilang kuwento na natuloy sa pagkikita nila Tamang Panahon event na naganap sa Philippine Arena sa Bulacan noong October 24, 2015.

Paano nga ba nila na-sustain yung kilig para sa kanilang mga tagahanga?

Saad ni Maine, “It comes naturally. Hindi naman po namin pinipilit and wala naman po kaming pinaplanong gawin para magpakilig po ng fans.”

Tugon naman ni Alden, “Naturally. Lumalabas yung cravings namin naturally…natural lang siyang lumalabas.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngayong halos isang taon na ang kanilang love team, ano naman ang masasabi nila sa mga taong nagdududa at patuloy na hindi naniniwalang magtatagal ang kanilang samahan?

Sagot ni Alden, “God bless na lang po, and we wish you well.

"Kumbaga, sana po kahit papa'no, na kahit ganun yung iniisip niyo sa amin, sana napapaligaya pa rin namin kayo in a way.

"Salamat pa rin po sa suporta."

Ani Maine, “God bless po.

"And sana napaligaya po namin kayo sa maikling panahon.”

Bilang regalo ng dalawa sa kanilang mga tagahanga na tinatawag na AlDub Nation, ipapalabas na sa July 13, ang kanilang pelikulang Imagine You & Me, kung saan kinunan ang karamihan sa mga eksena sa Italy.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN