Alden Richards and Maine Mendoza happy to be nominated in The PEP List

Malaki ang pasasalamat nina Alden Richards at Maine Mendoza na napabilang sila sa mga nominado sa taunang The PEP List ng PEP.ph (Philippine Entertainment Awards).


Hindi maikakailang isa sa pinakasikat na tambalan sa ngayon ay ang AlDub loveteam nina Alden Richards at Maine Mendoza.

Kaya naman sa The PEP List Year 3, dalawang nominasyon ang nakuha nina Alden at Maine: ang Celebrity Pair at Newsmaker of the Year.

As of July 2, nasa pangalawang puwesto sa botohan sa dalawang kategorya sina Alden at Maine.

Sa dressing room sa Novotel Hotel, sa Cubao, Quezon City, noong July 1, ay nakakuwentuhan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sina Alden at Maine tungkol dito.

Makikita man sa kanilang mukha ang labis na kasiyahan, hindi pa rin nagpapakampante ang dalawa na sila na ang magwawagi.

Nakangiting mensahe-pasasalamat ni Alden, “Thank you po sa bumoto, and no pressure.”

Nakangiti ring dagdag ni Maine, “Salamat po sa mga bumoto and kung sino man po ang mananalo, congratulations po.”

IMAGINE YOU & ME. Matapos nito, masayang nagkuwento sina Alden at Maine tungkol sa kanilang bagong pelikulang Imagine You & Me.

Wala na raw silang naramdamang pagka-ilang nang kinunan ang kanilang mga eksena.

Sabi ni Maine, “Normal na lang po. Wala na pong ilang-ilang, tapos na sa ganun.”

“Normal na tao na lang,” ang hirit pa ni Alden.

Sa pelikula, ginagampanan ni Alden ang papel ni Andrew, isang heartbroken guy na nagtatrabaho sa Italy.

Si Maine naman ay si Gara, isang hopeless romantic overseas foreign worker (OFW) na naghahanap ng kanyang Mr. Right.

Pero magkaiba ng pananaw ng kanilang karakter sa pag-ibig.

Ano pa ang aasahan ng kanilang mga tagahanga sa Imagine You & Me?

Kuwento ni Alden, “Siyempre, itong pelikulang ito, hindi lang siya basta-bastang love story.

“Kumabaga pagpasok ng mga tao sa sinehan, mararamdaman nila lahat ng emosyon—takot, saya, lungkot, kaba.

“Sana, sana ma-achieve namin ni Maine na maiparating sa mga audience ang message na gusto naming iparamdam sa kanila.

“It’s a roller-coaster of emotions.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad naman ni Maine, “And ibang Maine and Alden ang makikita nila rito, hindi ito yung nakikita nila every day sa Eat Bulaga!

“Ayun, iba. Makikita nila dun kung ano yung pagkakaiba namin.”

Ipapalabas na sa mga sinehan ang pelikula sa darating na July 13.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN