Maine Mendoza: "Narating ko na po ang pangarap ko."

Maine Mendoza on her current status in showbiz: "Na-reach ko na po ang pangarap ko, nakuha na po, masaya po ako."


Sa loob ng isang taon, naabot na agad ni Maine Mendoza ang pinangarap niya nang magdesisyong pasukin ang show business.

“Ang pinangarap ko lang kasi talaga ay makita sa billboards and magazines, makita sa commercials.

“Ngayon, sobrang happy ako na nangyayari na siya,” sabi ni Maine sa ginanap na press conference ng pelikula nila ni Alden Richards na Imagine You and Me kagabi, July 1.

Kaya naman sabi ng Eat Bulaga! Dabarkads na si Maine, kahit ano'ng mangyari sa kanyang showbiz career ay okay lang sa kanya.

Ang katuwiran niya, “Kasi na-achieve ko na ho, e. Na-fulfill ko na po, narito na po ako, narating ko na po ang pangarap ko.

“So kung mawala man ito, okay na si Menggay, masaya na si Menggay.”

Kaugnay nito, hindi nasagot nang diretso ni Maine ang tanong kung hanggang kailan niya nakikita ang sarili bilang artista.

Ayon sa kanya, bagamat marami na siyang nagagawa ngayon, hindi pa rin niya nakikita ang sariling gagawa ng acting projects.

“Hindi ko po kasi nakikita sa ngayon,” ani Maine.

“Parang as an actress, hindi ko pa po talaga nakikita 'yong sarili ko.

“Parang ang dami ko pang pagdadaanan. Hindi ko alam kung kakayanin ko ba ito.

“Baka mamaya, two years from now, gustuhin ko rin bumalik sa normal na buhay. Hindi ko po alam.

“Pero one thing is for sure, fulfilled na po ako. Na-reach ko na po ang pangarap ko, nakuha na po, masaya po ako.”

Sa ngayon, gusto lang daw ni Maine ipagpatuloy ang isa pang dahilan kung bakit gusto niyang maging bahagi ng show business: Ang makapagpasaya ng mga tao.

Kaya naman nang tanungin kung naaapektuhan siya sa mga nagsasabing hindi siya sisikat kung wala ang kanyang love-team partner na si Alden Richards, ang sagot ni Maine, “Hindi po ako worried na mawala ang kasikatan ko ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi ang main purpose ko naman kaya ko ito ginagawa, para makapagpasaya po ng tao kasi, nakikita ko silang masaya and nai-inspire ko po sila.

“Ginagawa ko lang po talaga ang gusto kong gawin, 'yong pangarap ko, kung ano po 'yong nakakapagpasaya sa ibang tao.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN