Is there already 'something' between Alden Richards and Maine Mendoza?

Alden Richards on the idea of parting ways with love-team partner Maine Mendoza: "As of now, we're not really looking forward to be paired someone else."


Sa forever kaya mauwi ang samahan nina Alden Richards at Maine Mendoza?

Isa ito sa mga naging tanong sa press conference ng kanilang pelikulang Imagine You and Me kagabi, July 1.

Sagot ni Alden, “Anything is possible.

“We'll just go with the flow. If we're bound to last 30, 50, 60 years, then it will happen.”

Sinang-ayunan naman ito ni Maine, na isang taon nang ka-love team ni Alden, “Ganun din po, lagi kong sinasabi, what's meant to be will always find its way, nangyayari.

“Kung marami man po kaming pagdaanan ngayon, kung kami talaga, kami.”

Kung sakali man, sabi ng dalawang bida ng Eat Bulaga! kalyeserye na okay lang sa kanilang maipareha sa iba.

Para kay Alden, “Kami naman pong dalawa ni Maine, we always have this understanding of each other.

Siyempre, on the professional side, if that will happen, siyempre kami naman wala kaming gagagawin kundi suportahan ang isa't isa.”

Subalit wala pa naman daw ito sa plano.

Dugtong ni Alden, “Pero as of now, we're not really looking forward to be paired with someone else.”

FINDING MR. RIGHT. Dahil mag-iisang taon na silang nagbibigay-kilig sa mga manonood ng Eat Bulaga!, nagkakagustuhan na ba sila?

Hindi nila ito diretsong sinagot.

Sa halip, nauwi ito sa pagkukwento ni Alden tungkol sa bracelet na binigay sa kanya ni Maine.

Samantala, matapos magkuwento ni Maine tuungkol sa kanyang karanasan sa pagsulat ng kanta para sa Imagine You and Me, tinanong siya ng press kung nagka-boyfriend na ito.

Sagot niya, “oo.”

Ngunit nang tanungin kung may boyfriend siya ngayon, isang matagal na “ahh” ang sinagot ni Maine, itinaas ang baso sa harap niya, at sinabing, “Tubig!”

Dahil dito, nausisa tuloy si Maine kung hinahanap ba niya ngayon si “Mr. Right.”

Seryosong sagot ng 21-year-old celebrity, “Well, ako kasi, hopeless romantic ako.

Naniniwala ako na somewhere out there, there is [a guy] destined for me, na meant to spend my life with.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi naman po ako sa naghahanap kasi naniniwala ako na darating naman 'yon sa tamang panahon.”

Agad naman sumingit si Alden, na saktong nasa “right” side niya sa presidential table, “Hanap ka pa nang hanap, nandiyan lang sa tabi mo.”

Sagot naman ni Maine, “Nasa tabi ko lang, Direk? Direk, ikaw na ba si Mr. Right?”

Ang tinutukoy ni Maine ay ang nasa kaliwa niyang si Direk Mike Tuviera.

Si Alden naman ang tinanong ng press kung naghahanap ba siya ng girlfriend?

Tumingin siya kay Maine at sinabing, “Ako ba naghahanap? Ako ba? Ako na ba 'yon?”

Patanong na sagot ni Maine, “Naghahanap ka ba?”

Tugon ng 24-year-old actor, “Bakit pa maghahanap kung nahanap ko na?”

Sabay sabi nilang dalawa, “Ayiie.”

Ang tanging naging komento ni Direk Mike sa kanila, “Ayan, ganyan sila the whole shoot.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN