Kiray Celis jittery about "Comedy Queen" tag: "Princess na lang."

Kiray Celis admits feeling uncomfortable about being tagged as Comedy Queen by no less than Regal Films matriarch Mother Lily Monteverde: "Comedy Princess na lang. Hindi ko naman kaya yung Comedy Queen."


"Comedy Queen" ang bansag ng Regal Matriach na si Lily Monteverde sa bago nitong paborito ngayon na si Kiray Celis.

Ito ay matapos niyang masaksihan ang napaka-warm na reaksiyon ng audience sa premiere night ng pelikulang I Love You To Death na ginanap sa Cinema 7 ng SM Megamall sa Mandaluyong City, noong July 1.

Ayon pa kay Mother Lily, naging basehan din niya ang malaking tagumpay ng nakaraang comedy flick ni Kiray na Love Is Blind kasama si Derek Ramsay.

Sa pelikulang I Love You To Death, na ipapalabas sa July 6, si Enchong Dee naman ang ka-partner ng dalaga.

Kaya nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kiray sa late-night dinner pagkatapos ng premiere night, inalam namin ang reaksiyon niya sa naging pahayag ni Mother Lily.

COMEDY PRINCESS. Napapangiting sabi ng komedyana, "Princess lang!

"Naku, 'di ko alam.

"Hindi ko iniisip yun.

"Hindi ko alam, pero sobrang flattered po ako."

Kung ayaw niyang tanggapin ang titulong "Comedy Queen," ano ang sa tingin niyang mas nararapat na puwedeng ibansag sa kanya?

Natatawang tugon niya, "Comedy Princess na lang.

"Hindi ko naman kaya yung Comedy Queen.

"Sumasakit na ang ulo ko kapag...

"At saka, di ba, si Tita Ai-Ai [de las Alas]?

"Si Tita Ai- Ai ay may tagline, alam ko na siya ang merong tagline."

TAMANG PANAHON. Dumating na nga raw ang tamang panahon niya dahil ilang taon na rin siyang nagtiyaga bilang isang supporting actress sa mga bida.

Ano ang masasabi niya tungkol dito?

Saad niya, "Lahat naman po ng blessings na dumarating sa akin ngayon, sa tingin ko ay timing palagi.

"Hindi naman pupunta sa 'yo ang blessings kung hindi ko time.

"So every blessing counts."

Hindi nga raw nagkamali si Mother Lily sa pagsusugal sa kanyang career.

Pagpapasalamat niya, "Siyempre, sobrang thankful ako.

"Kasi, si Mother Lily 'yan. Ang dami niyang hinawakan na Regal babies, malalaking artista na ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And coming from her, sobrang big deal yun.

"Nakakatuwa."

COMPETING WITH HERSELF. Bilang komedyana, sino ba talaga ang peg mo?

Saad ng 20-year-old comedienne, "Wala po talaga.

"Gusto kong peg yung sarili ko at ayaw kong meron akong tapak sa ibang artista.

"Gusto kong sundan yung sarili ko, kung ano ang magagawa ko."

GOOD CHEMISTRY WITH ENCHONG. Samantala, marami ang nagsasabi na ang lakas nga raw ng chemistry nilang dalawa ni Enchong onscreen.

Ano ang reaksiyon niya rito?

Pag-amin niya, "Naramdaman ko naman yun dahil ako nga mismo ay kinikilig din.

"Sana ay mahigitan yung kinita ng movie namin ni Derek.

"Sana. Sana. Sana.

"Ang kalaban ko lang naman ay ang sarili ko.

"Hindi ko kalaban ang ibang movie. Ang kalaban ko ay ang sarili ko.

"Kailangan kong pantayan o higitan kung ano man ang nagawa ko.

"Pero okey na sa akin. Basta 'wag lang mag-flop."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN