Liza Diño and Aiza Seguerra finalize plans for in vitro fertilization procedure in September

Liza Diño and hubby Aiza Seguerra are excited to finally undergo their long-planned in vitro fertilization procedure in the U.S. this coming September. She says, "I'm so excited and our daughter is even more excited than the rest of us. Christmas wish, birthday wish, Santa's letter, lahat talaga. Pinagdasal niya 'to sa lahat ng mga santo."

 


Sa October ng taong ito planong ituloy ng mag-asawang Liza Dio at Aiza Seguerra ang plano nilang magkaroon ng anak sa pamamagitan ng in vitro fertilization.

Sa America nila ito ipapagawa at tatlong buwan daw ang proseso nito.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Liza noong June 22 sa Cucina ni Bunso sa naging presscon ng indie movie niyang Ringgo, The Dog Shooter na kasalukuyan nang palabas ngayon.

“Yung in vitro kasi, three months yung procedure, and Aiza has to come back para ma-check yung kanyang egg cell.

“Sa in vitro kasi, kailangan pare-pareho ng laki.

“Kailangan lahat pantay-pantay ang laki, kailangan lahat fertile,” lahad niya tungkol sa egg cells.

Pero sabi nga namin kay Liza, hindi naman sa pagiging negatibo, pero paano kung sa loob ng tatlong buwan ay hindi maging matagumpay ang proseso?

Alam ba nila yung risk?

“Oo naman,” saad niya.

“Well, we are prepared for the ano... medyo mahal kasi siya, kaya naghu-hope kami.”

Ayon kay Liza, nasa dalawang milyong piso ang aabutin ng naturang procedure.

DONOR SCREENING. Sa San Jose, Nothern California raw nila ito gagawin at isang anonymous na lalaki naman ang magiging donor ng sperm cell habang siya naman ang lalabas na surrogate mother dahil siya ang magdadala nito sa sinapupunan niya.

Sa ganoong paraan, masasabing bahagi na rin siya ng magiging anak nila.

Sabi nga ni Liza, “I nourish the baby and I share the responsibility.”

Hindi nila personal na makikilala ang lalaki?

“Hindi namin malalaman, like pangalan niya, pero makikita namin ang mukha niya, profile niya.

“Makikita namin kung ano ang mga hilig niya. Kumbaga, genetic ‘yan, e.

“Merong mga extra payment kung gusto naming malaman ang gender,” saad pa niya.

PREPARATIONS. Kung October nila ito plano, may dalawa hanggang tatlong buwan na lang sila para paghandaan ito.

Pero handa na nga ba sila at excited sa ngayon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ready, I don’t know kasi parang nakaka-overwhelm.

“Excited, very much. Ngayon kasi, nag-a-answer na kami ng mga questionnaires and I remember, Aiza was like, out-of-the-blue, 'Totoo na ‘to!'

“Kasi, nag-a-answer siya, ang mga tanong, tubal ligation, yung ganyan.

“Siyempre, alam mo naman ang lolo mo, walang alam sa ganyan.

“Ang haba, siguro mga five pages yung sinasagutan namin.

“Tapos siya, bigla na lang siyang tumigil na, 'Oh my god, this is real!'”

Alam daw niyang pangarap talaga ni Aiza ang magkaroon ng sariling anak.

Sabi pa niya, “As a wife, alam kong pangarap niya ‘to and even Mommy Caring.

“And he thought it would never happen, he’ll find that person who wants to be there and mangyayari talaga ‘to, sarili niyang anak, his own blood.

“I’m so excited and our daughter is even more excited than the rest of us. Christmas wish, birthday wish, Santa’s letter, lahat talaga. Pinagdasal niya ‘to sa lahat ng mga santo.”

Kasama rin daw nila ang anak pagpunta ng America dahil malaki ang posibilidad na hanggang Pasko na sila. Pero bago raw yun, may check-up muna raw sila ngayong buwan.

FULL SUPPORT OF FAMILY. At dahil alam nilang magastos ang gagawin nila, sasabayan na rin daw nila ng ilang shows at gigs ang pag-alis nila.

Patuloy niya, “Inaayos naman namin ang mga gigs niya, kasi mahirap naman yatang mag-survive nang walang trabaho.

“Although personally, ako, meron akong job dun and I can go back to it anytime.

“Pero siya, ayaw niyang pumayag, kasi nga we’ll be traveling a lot.”

Sabi naman ni Liza, bilang mag-asawa, nakaplano naman daw ang ginagawa nila.

Aniya, “We got married, lumipat na kami ng bagong buhay, ito na, we’re building a family. Hindi na rin naman ako bata, I’m 34.”

Kinumusta naman namin kay Liza kung ang parehong magulang nila ni Aiza ay excited na rin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi pa nila ma-grasp ang idea. Talagang parang, 'Ano ba ‘yan?'

“Siguro kapag nangyari na lang. Pero ano, hindi naman sila negative.

“Napaka-positive naman. 'Basta gawin niyo kung ano ang gusto niyong gawin, basta kami rito, susupport lang kami,” banggit niya.

LOVE SCENE WITH JANICE. Kasalukuyan namang palabas pa ang Ringgo, The Dog Shooter na bahagi ng 3rd World Premiere Film Festival na nagbukas noong July 1.

Isang lesbian ang karakter ni Liza sa pelikula kunsaan karelasyon niya si Janice de Belen. Kaya ang biro namin sa kanya, parang walang challenge sa kanya ang role.

“Hindi sa wala lang,” natawang sabi ni Liza.

“Ang pinaka-ano sa akin dito, first lesbian role na may love scene ako.

“Kasi normally, ang love scene ko, with a guy.

“Siyempre, I wanna give justice to it, bilang isang tao na member ng LGBT [Lesbian Gay Bisexual Transgender community], napaka-sensitive sa akin nito.

“Gusto ko na kapag nakita nila, 'Ah okey, hindi sila baboy.'”

Nakaramdam daw sa challenge niya sa ginawang karakter ay yung nakita niyang takot kay Janice de Belen.

“Naramdaman ko yung takot niya, at yung parang, babae ka e, so ayokong makasira yun sa pagiging truthful ng gagawin namin. Ayoko na makita yung apprehension.”

Isang take lang daw nilang nakuha ang naturang love scene, yung ikalawang take, para na lang sa camera angle.

LOOKING THROUGH THE EYES OF THE LGBT. Kinumusta rin namin si Liza kung bilang miyembro ng LGBT, hindi ba siya nakaramdam ng pagka-offend na may katulad ni Janice na bilang isang aktres, aminado naman ito na hindi kaya ang ganoong eksena o senaryo.

Sabi naman ni Liza, “Siguro ako naman, I take it as, oo naman, naiintindihan ko.

“Siguro for me, kung ganyan ang pag-iisip niya, yung perspective niya sa ganito, can you imagine, baka ganundin ang kind of mindset na meron ang karamihan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It’s a very unexplored topic especially sa Philippines setting.

“Kumbaga, in reference to the gays, mas naging matapang na ang mga LGBT na tuma-tackle sa mga isyu.

:And even yung mga gays natin ngayon, mas open na with relationship, sex and everything.

“When it comes to lesbian, mas marginalized.

:And even sa industry, can you think of one actress na lesbian na out?

“Wala. So for me, it’s an important thing for me.

“Napanood ko na kasi ang movie kaya natuwa ako sa kinalabasan at kasama ko sa pelikula.

“And I’m proud na yung lumabas e, just two people in love.

“Walang tinitingnan na, 'Kadiri naman, babae sa babae,' walang ganun.

“Talagang nakita mo ang pagmamahalan nila at ako naman, except sa love scene, nakita ko naman ang pagiging bukas ni Ate Janice sa relationship namin.

“When she looks at me, she looks at me as she loves me.

“And when I look at her, I look at her like she’s Aiza [Seguerra],” natawang sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN