Vice Ganda responds to basher who questioned his I Love OPM guest appearance

Hindi nagustuhan ni Vice Ganda ang pagkuwestiyon ng isang netizen tungkol sa pagkakapili sa kanya bilang featured OPM icon sa I Love OPM ng ABS-CBN. Sabi niya tungkol sa basher: "Tumawag kayo ng bumbero. May hater na nasunog! BURN KARAKARAKA!!!!"


Si Vice Ganda ang featured Original Pilipino Music (OPM) icon sa I Love OPM: The Celebrity Sing-Offs ng ABS-CBN nitong nakaraang Sabado at Linggo, July 2 and 3.

Ang naturang show ni Anne Curtis ay nagpapalaganap ng pagmamahal sa OPM music sa pamamagitan ng pagbabalik-tanaw sa mga sikat na awiting gawa ng Pinoy.

Ilan na sa mga naging featured artists sa show ay sina Sharon Cuneta, Martin Nievera, Gary Valenciano, Hagibis, at Rico J. Puno.

Pabirong tweet ni Vice tungkol sa kanyang guest appearance sa show:

WHY VICE? Maliban sa pagiging isang sikat na comedian at TV host, isa ring recording artist si Vice.

Tatlong albums na ang nai-release niya: Lakas Tama (Vicor Music, 2011), Vice Ganda (Star Music, 2013), at #Trending (Star Music, 2014).

Ilan naman sa mga kantang pinasikat niya ay ang novelty songs na "KaRaKaRaKa", "#BoomPanes", "#PushMoYanTe", "Wag Kang Pabebe", at "Chuva Choo Choo."

Pero may isang netizen ang tila hindi umayon sa pagkakapili kay Vice bilang OPM icon.

Kinukuwestiyon ng isang nagngangalang Abhie delos Santos ang show kung bakit si Vice ang naging guest nila.

Narito ang kanyang tweets:

"Npakaraming mga magagaling na singer o litiral na opm artist pero bat si vice pa? #OPMViceGanda"

"di pa rin maprocess ng utak ko kung bakit si vice yung guess ngaun? ganun na ba sukatan ng pagiging opm artist? so sad #OPMViceGanda"

"@DLSAbhie Napakagaling nung mga naunang guess, tapos c vice? wtf, di na tlga opm ang mga kantahan ngaun nakakalungkot #OPMViceGanda"

Hindi naman napigilan ni Vice ang kanyang sarili at sinagot ang naturang basher.

Sabi niya, "Di ko rin maprocess kung bakit 'guess' ? I guess GUEST ang ibig mong sabihin? Muka ngang di nagprocess ang utak mo!"

Kasunod pa niyang tweet: "Tumawag kayo ng bumbero. May hater na nasunog! BURN KARAKARAKA!!!!"

Pagtatapos ni Vice, "Biglang nagbura ng tweet! Kaya next time @DLSAbhie be smarter. Wag puro hate. Good vibes lang girl. Nytie!!!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN