Ian King begs off TV interviews after coming out

Ian King on accepting interviews: "I am feeling pressured since so much people are now watching me and my family so I hope we can get some privacy till everything sinks in! Thank you so much!"


Pagkatapos aminin na isa siyang trans woman, sentro ngayon ng atensiyon si Ian King o Angelina Mead King.

Si Ian, businessman at car enthusiast, ay mister ng model-TV host na si Joey Mead.

Nitong weekend ay naging laman ng social media ang pag-amin ni Ian, sa pamamagitan ng Instagram, na isa siyang trans woman.

Read: Joey Mead's husband Ian King is now a trans woman

Dahil dito, halos lahat ng mga taga-media ay interesadong malaman ang kanyang istorya at gusto siyang ma-interview.

Ngunit tila hindi pa handa si Ian na harapin ang media, partikular na ang mga taga-TV, kaya naman nakiusap siya sa mga ito na hindi muna siya tatanggap ng interviews.

Ang tanging pinabigyan niya lamang ay ang columnist at eventologist na si Tim Yap, na ilalathala ang exclusive interview kay Ian sa isang daily broadsheet.

Mensahe ni Ian sa kanyang Instagram post (hailtothe_king) ngayong araw, July 4:

“For the press people asking for an interview I would like to request to please hold off as I am scared of the pressure that comes along with TV Media.

“For now wait for @officialtimyap write up on me.

“I am feeling pressured since so much people are now watching me and my family so I hope we can get some privacy till everything sinks in! Thank you so much!”

Ginamit din ni Ian ang mga sumusunod na hashtags para sa kanyang mensahe: #loveislove #betruebeyou #transgender #lovewins

Kalakip ng Instagram post ay ang larawan ni Ian kasama ang misis niyang si Joey, si Tim, ang kaibigan nilang si Claudine Trillo, at isa pang kaibigan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN