Jessy Mendiola's mom hits back at bashers: "Dami n'yo problema. Di mag-FHM kayo!"

Jessy Mendiola's mom Didith Garvida hits back at bashers who criticize the actress after being named FHM's Sexiest Woman this 2016.


Ipinagtanggol si Jessy Mendiola ng kanyang ina na si Didith Garvida mula sa bashers sa social media kaugnay ng pagkakahirang sa Kapamilya actress bilang FHM Sexiest Woman ngayong 2016.

Read: Jessy Mendiola is FHM Sexiest Woman of 2016

May mga bumabatikos sa comment section ng Instagram posts ni Jessy, at to-the-rescue naman ang ina ng aktres.

Mapapansin namang tila burado na ang ibang komento na namba-bash kay Jessy.

Sa isang comment ng ina ni Jessy, pinasalamatan pa nito ang bashers ng anak dahil patunay lang daw itong nakakakuha ng atensiyon ang anak.

Pahayag ni Mrs. Garvida, “Thank you for bashing, the attention is on her and Loving it.

“We are not going to fight you. There is no time for losers.

“FHM deserves someone like Jessy: witty, strong, knowledgeable.

“She has all the qualities to be number one. That is the Star Magic aim, to be no.1.

“She wins, you lose.

“That’s the name of the ballgame. Play on!

“Dami n’yo problema. Di mag-FHM kayo!”

Sa isa pang komento ni Mrs. Garvida, pinagsabihan niya ang bashers na tigilan ang kanyang anak sa kanilang mga paninira.

“Ang dami n'yong mga pakialamera kayo... mind all your business and leave her alone!

“Lahat ng paratang n’yo na hindi maganda ay walang katuturan at wala kayong pakialam sa personal na buhay niya.

“All you have been accusing her is baseless and tantamount to speculations and envy.

“Ano problema n’yo? S'ya nanalo at sa mga ginagawa niya, wala kayong karapatang pakialaman.

“Bakit? Pinapakain n’yo ba siya?

“You all stop the bashing. Naging mga sakit n’yo na ‘yan. You are all not decent Filipino, crab mentality.

“Well, nanalo siya, eat your heart out!”

Burado na rin ang nasabing komentong ito ni Mrs. Garvida sa comment section ng isang post ni Jessy.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN