Comedian Ate Glow marries British boyfriend in UK

Former comedian Ate Glow, Rene Boy Facunla in real, recently tied the knot with British boyfriend.


Ikinasal na ang dating komedyante at impersonator na si Ate Glow, Rene Boy Facunla sa totoong buhay, sa kanyang British boyfriend sa London nitong weekend.

Base sa mga post sa Facebook, naganap ang pag-iisang dibdib ni Ate Glow at ng kanyang boyfriend sa Chelsea Registry Office, London, United Kingdom, nitong Sabado, July 2.

(Photo from Yolanda Salome Libre's Facebook account)

(Photo from Renee Eugenio's Facebook account)

Taong 2013 nang magkakilala sina Ate Glow at ang kanyang boyfriend habang nagbabakasyon ang komedyante sa London.

Unang nagkakilala ang dalawa sa Facebook at doon muna sila nag-usap.

"I met him in London last year when I visited my best friend.

"Nakita niya ako sa Facebook ng friend ko kaya nako, thank you kay Mark Zuckerberg at nang dahil sa Facebook, nagkaroon ako ng love life,” kuwento ni Ate Glow sa ulat ng GMA News noong February 2014.

Kalaunan, niyaya ng nasabing British guy si Ate Glow para mag-dinner, kaya naman nagkita sila.

Mayroon naman daw ideya ang nasabing Briton sa pagkatao ni Ate Glow, dahil ipinapakita sa kanya ng kanilang common friend ang mga larawan ng dating komedyante.

"He had an idea kasi yung common friend namin is also a transsexual, pero tiningnan niya raw kasi yung mga pictures ko."

Early 2000 nang pasukin ni Ate Glow ang pagsu-showbiz at nagsimula bilang segment host ng Wazzup, Wazzup.

Kalaunan ay pinasok na rin niya ang telebisyon at paggawa ng pelikula.

Huling pelikulang sinalihan ni Ate Glow ay ang Moron 5 and The Crying Lady noong 2012.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN